Chapter 4

1112 Words
Chapter 4 Chien's Pov Simula ng nag-usap kami ni Gariel hindi ko na siya ginugulo pa tulad ng pinangako ko sa kan'ya ng huli kaming nagkita. Kahit na magkita kami sa school, ako ang kusa umiiwas sa kanila. Mahirap kailangan ko 'tong tanggapin parte 'to ng relasyon namin dalawa. Masaya naman siya sa feeling ng iba. Nakikita ko naman nakangiti siya sa tuwing magkasama sila ni Kim. Kahit mga kaibigan ko nanahimik sa relasyon namin ni Gariel dahil sa pakiusap ko sa kanila. Ayaw ko ng gulo. Ayaw ko na dagdagan pa ang sakit sa puso ko. Alam ko sa sarili ko na hindi ako sumuko. Dumating ang araw ng graduation namin. Masaya akong nakatapos kami. Kahit marami ang pagbabago sa'min dalawa Iniwasan ko na rin ang mga kaibigan niya. Napatingin ako sa kanila. Kung noon nagsumpaan kami kahit sa college magkasama kaming dalawa, pero isang iglap lang nabago ng tadhana sa'min dalawa. Tanggap ko naman na wala kami. "Congrats!" Napalingon ako kay Jake. Nakangiti siya hinarap ako. "Ang lalim ah!" "Wala! Masaya lang ako. Congrats din sayo." Tinawanan lang niya ako. "Mamimiss kita." Sabay yakap niya sa'kin. Nagulat ako sa ginawa niya. Ngayon ko lang siya nakausap simula ng nagkagulo sa pagitan samin ni Gariel. Iniwasan din niya ako. Ewan ko ba bakit ganyan sila? Lahat ng malalapit sa'kin iniiwan din ako. Ngayon, mag-isa na na lang ako lalaban. Si Shane at si Dave sa Cebu nag-aaral. Napa-buntong hininga na lang ako. "Ah! Sorry," sabi niya. Tinawanan ko lang siya. Napakamot pa siya sa ulo. Ilang beses siya humihingi ng apologize sa akin. Sinisi din niya nangyari sa'min. Ilang beses ko din sinabi sa kan'ya wala siya kasalanan, sadya iba ang paniniwala nila. Hindi ko naman puwede ipilit sa isang tao. Ang hirap kaya magexplain kung sarado ang puso niya lalo na kung ayaw ka naman pakinggan. Ang kinainis ako 'yong girlfriend, pero iba pinaniniwalaan niya. "Bakit ka naman nag-sosorry?" Tahimik lang siya sinabi ko. Nang napalingon kami, Napatingin si Jake sa akin. Ako naman napayuko hindi ko kaya makita siya may kasamang iba. Nagtatawanan pa sila. Nang malapit na sila sa'min, ako ang kusa umalis. Kahit sabihin kong tanggap ko na pero may parte pa rin sa puso ko masakit pa rin. Kahit matagal na kami wala. Hindi kasi madali hilumin ang sugat sa puso eh. Mas masakit pa sakit ng nadarama ko. Ang hirap gamutin. Ang hirap magkunwari sa kasama sa lahat ng bagay. Napapagod din naman ako. Tanging magagawa ko lang Manahimik na lang. "Sige na alis na ako." Tumalikod na ako hindi ko na sila pinansin. Ayaw ko makita niya na anong oras iiyak na ako. Umuwi na ako. Nagmadali ako ayaw ko maabutan niya ako. Pagkauwi ko nagulat ako sa nakita ko. Hindi ko akalain na masusurpresa ako ng ganito. Nandito kasi family ko. Hindi ko akalain pupunta sila. Si Kuya Chiz lang kasi kasama ko nag-attend graduation ko. Kaya naman pala nauna sa'kin umalis, may surprise pala sila sa'kin. Napaiyak ako makita sila. Magkayakap kaming pamilya ko. Panay bati nila sa'kin. Ang tanging naririnig ko sa kanila proud sila sa'kin. Pinagsaluhan namin ang munting handaan. Ang sarap talaga luto ng mommy ko. Nabusog kaming lahat sa simple celebration with love raw kasi.. Kinabukasan maaga umalis ang family ko. Ngayon ako na lang mag-isa ulit. Bigla ako nakaramdam ng lungkot. Sila na nga meron ako pero umalis agad sila. Hindi man lang nag-tagal mag-bonding man lang kami. Hindi ko naman masisisi may maliit kasi kami taniman sa aming probinsiya. Napatingala ako sa may puno malapit lang sa bahay na tinitirhan ko. Naalala ko may inukit nga pala kami riyan ni Gariel. Tanda ng pagmamahalan naming dalawa. Hindi ko mapigilan lapitan, naglakad ako napalapit sa may puno. Tinignan ko 'yong bagay nagpapaalala sa'min dalawa. Naiyak ako ng makita ko 'to. Dito ko kasi siya sinagot, dahil sa labis na saya ni Gariel, agad naman niya inukit 'to. Isang malaking puso ang inukit niya. Nakalagay Gariel love Chien. Mahal na mahal ko pa rin si Gariel hanggang ngayon. Gusto ko siya makita sa huling pagkakataon. Nakapag-desisyon ako na puntahan siya. Ewan ko ba para ako kinakabahan habang papalapit sa kanila. Napa-atras ako nagdalawang isip kung itutuloy pa ba ako o hindi na? Sa huli nag-doorbell ako. Bahala na gusto ko lang siya makita sa huling pagkakataon. Hindi naman ako magtatagal makita ko lang siya aalis rin agad ako. Naghintay ako nang wala man lang nagbukas ng gate. Nakatalikod na ako, aalis na lang ako sabi ko sa isip ko. Nang marinig ko ang boses ni manang nakaharap ako nahihiya. "Oh! Chien, bakit nandito ka pa! Nakaalis na si Gariel." Napaharap ako naguluhan sa sinabi ni Manang. "Nakaalis po saan?" sabi ko sa kan'ya. "Hindi mo alam?" Naguluhan ako sa sinabi ni manang. Para ako kinabahan sa sinasabi ni Manang? "Papunta siyang Japan," sabi niya sa'kin. Para ako ng hina sa sinabi ni manang. So! Ibig sabihin aalis siya. Talaga kinalimutan na niya ako. Ako lang pala ang umaasa. "Japan?" Pag-uulit ko napayuko na lang ako. Para ako iiyak sa nalaman ko. "Teka hindi mo alam!" Hindi na lang ako nagsalita. "Sige po Manang," sabi ko na lang. Nang may mapadaan na kotse pumara agad ako. "Pakibilisan po," sabi ko sa kan'ya. Paulit-ulit ko pa sinabi. "Bakit po ate nagmamadali ka?" "Kailangan ko po makita siya," sabi ko sa Manong Driver. Tinawanan lang niya ako. "Pag-ibig nga naman. Ang taong inlove gagawin lahat. Tama ba ako ate?" Tinignan ko lang si Manong Driver, tawang-tawa pa siya, makaate naman siya, mukha naman magkaage lang kami. Napa-seryoso ako nakatingin sa kan'ya. Napansin ko na guwapo niya pala. May dimple siya. Hindi ko nga siya mapapakamalan ng driver lang. Ang guwapo niya driver sabi ko sa isip ko. "Oh bakit?" sabi niya sa'kin nakakunot noo. Mukha napansin niya na tinitignan ko siya. "Napansin ko po kuya ang guwapo mo," sabi ko sa kan'ya. Tinawanan niya lang ako. Nakakainis naman siya kanina pa ako pinagtatawanan. Nagsasabi naman ako ng totoo. Tapos ito lang narinig ko sa kan'ya. "Binola mo pa ako, Para sa'yo bibilisan ko." Binilisan nga ni Manong Driver ng napansin ko na parang nag-iiba direction hanggang sa kinabahan na ako. "Ate! Mukha katapusan na natin hindi ko mapreno," sabi niya sa'kin. Kinabahan ako ng mapatingin ako kay manong driver. Nakikita ko sa mga mata niya ang labis na takot sa kan'ya. "Ate! Bibilang ako ng tatlo lalabas tayo," sabi niya sa'kin. "Kailangan natin gawin 'to." Kahit sa takot ko sinunod ko na lang siya. Napapikit ako ng babangga kami sa isang malaking poste. "Kumapit ka ate Isa, dalawa, talon Talon ate," sigaw niya sa'kin. Isang malakas na boom nangyari sa'min dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD