Chapter 5

1101 Words
Chapter 5 Gariel's Pov 5 years…. "Takbo bakla, takbo." Napalingon kami sa sigaw na parang tumigil ang puso ko ng mapahinto sila sa'min ni Kim. Nagkatinginan kami pareho ni Kim nagulat sa nakita. Limang-taon ko hindi nakikita simula ng iwan ko siya. Wala ako balita sa kan'ya, kahit mga kaibigan ko nanahimik sila hindi nila nababangit si Chien. Hindi ko naman magawa tanungin ang mga kaibigan ko. Nagkatinginan kaming dalawa, pero parang hindi niya ako kilala parang wala lang sa kan'ya at tinalikuran niya lang ako. "Sis! Nandyan na sila takbo bilis," sigaw ng kasama ni Chien. Napatingin kami sa kanila. Ang bilis ni Chien tumakbo. Nakita nga namin 7 katao ang humahabol sa kanila. Hanggang sa nawala sila sa paningin namin ni Kim. "Di ba si Chien 'yon?" sabi ni Kim na sabay turo niya sa'kin. "Sino ang humahabol sa kanila at sino ang kasama niyang bakla?" "Baka kamukha lang ni Chien?" sabi ko sa kan'ya. "Sabagay baka kamukha nga niya, hindi nga niya tayo nakilala." "Tara na!" sabi niya sa'kin. Napasunod na lang ako sa kan'ya. 1week na kami ni Kim nandito sa manila. Umuwi ako dahil itatama ko ang mali nagawa ko. "Wala ka naman nabili," sabi ko sa kan'ya "Wala na akong sa mood." Tinalikuran ko lang siya. "Ang arte mo talaga, kain na lang tayo?" Sinamahan ko lang siya magmall kaya kami nandito dalawa ay dahil doon nakita ko si Chien o kamukha niya lang. "Gusto ko na umuwi, Hatid na kita," sabi ko sa kan'ya. "Ok fine! Nakita mo lang si Chien, binaliwala mo na ako." Napatingin lang ako sa kan'ya. "Si Chien ba talaga 'yon?" Kahit ako iniisip ko si Chien 'yon. Parang may nagbago sa kan'ya. "Sa tingin mo siya nga?" "Ewan ko, naguluhan ako." Tinawanan lang niya ako. "Kung siya nga, ibig sabihin nakalimutan ka na niya. Imagine Hindi ka niya Pinansin." Nakasimangot ako hinarap siya. "Ok fine! Sorry." Sabay hila niya sa'kin. Nagdrive na ako hinatid ko na si Kim pauwi sa kanilang bahay. Pagkahatid ko sa kan'ya. Tumuloy ako sa mga kaibigan ko. Napatingin sila sa'kin pagkikita. "Oh! Mukha mo? May nangyari ba?" Salubong sa akin ni Harold. "Balita ko kasama mo si Kim?" Sabay bato ko ng unan kay Jexiel. Isang 'to napakatsismoso talaga kahit kailan. "Gago ka!" sabi niya sa'kin. "Bakit ka nandito?" "Nakita ko siya." Napatingin sila sa akin ang mga loko nagsilapit pa talaga. "Sino siya?" seryoso sabi ni Harold. "Si Chien nakita ko," sabi ko sa kanila. Iyong mukha nila hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Ano sabi sa'yo?" "Wala! Dedma lang niya ako." Pinagtawanan lang nila. "Ano sa tingin mo nararamdaman niya, matutuwa na makita ka. Gago ka ba! Matapos mo siyang iwan. Umalis ka hindi nagpapaalam sa tingin mo ok lang sa kan'ya!" Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Nate. Tahimik lang si Nate, pero kapag nagsalita talaga matatamaan ka sa mga sinabi niya. "Tigilan mo na nga si Chien, masaya na siya. 'Wag mo na siyang guluhin," sabi pa niya ulit. "Gago ka Nate napakabitter mo. Magkaibigan ka nga kayo ni Lex." Natawa ako ng bigla na lang batukan ni Nate si Harold. "Bakit ba? Nakakarami ka na." "Nasaan si Lex?" Iniba ko na lang usapan. "Ewan ko do'n gago na 'yon. Lagi busy. Next week, siya babalik dito. Alam mo na sa Cebu, may lakad daw siya, hindi man lang sinabi." "Pero seryoso usapan, nagkita nga kayo ni Chien?" Napaakbay pa si Jexiel sa'kin. "Oo! Pero nakapagtataka nong nagkita kami wala lang sa kan'ya tapos may kasama siya?" "Kaya naman pala, ibig sabihin na kalimutan ka na niya." Ang sarap din sapakin ni Jexiel. "Isa lang ibig sabihin non may mahal na siyang iba." Sabay pa sabi nila sa'kin. "Gago! Bakla kasama niya." Napahinto sila sa kakatawa. "Hay! Bakla pala linawin mo kasi." Hindi ko na lang pinansin si Harold. "Pero nakakapagtaka, bakit sila hinahabol ng 7 katao?" Nakatayo si Nate sa sinabi ko. "Pakiulit sinabi mo? Hinahabol sila? Bakit?" 'Yon nga tanong ko sa inyo? Naguguluhan na rin ako." "Nakakatakot 'yon Imagine 7 sila. May kaaway ba siya?" "Baka hindi naman Nate, kamukha lang siguro ni Chien. Hindi naman ganyan si Chien pagkakakilala ko." Napa-Smseryoso ako nakatingin sa sinabi ni Harold. "Alam mo pre! Sa sobra pagkamiss mo sa kan'ya. Kahit mukha niya nakikita mo saan-saan." "Gago rin kasi siya Harold, mahal eh! Pinakawalan. Nakapagdesisyunan ko na pre." Sabay tawa ni Jexiel sa'min. "Na ano?" Seryoso tanong ni Nate sa kan'ya. Tumawa ng malakas si Jexiel mukha may iba iniisip ng gago 'to. "Simple lang. Sa oras na makita ko siya. Liligawan ko talaga si Chien." Napatingin ako masama kay Jexiel. Ang mga loko tawang-tawa pa talaga sila. "Subukan mo gago ka, hindi ka makakalabas ng buhay," sabi ko sa kan'ya. "Walang ganyanan pre! Ang pagkakaalam ko wala naman kayo." "Subukan mo lang," sabi ko sa kan'ya. Tinawanan lang niya ako. Sa inis ko iniwan ko sila. "Saan ka pupunta?" sigaw nila sa'kin. "Uuwi wala kayong kuwenta," sigaw ko sa kanila. Nang makauwi ako sa bagong bahay binili ko para sa'min ni Chien. Siya ang dahilan kung bakit ako umuwi simula nong nalaman ko na hindi naman pala totoo. Inamin na sa'kin ni Kim ang lahat mula sa plano niya ng pinsan ko. Matagal na kasi may gusto si Jake kay Chien. Gusto ko umuwi pero duwag ako harapin siya. Natakot ako saktan ko siya. Sinabi ko sa sarili ko. Babalik ako kapag may napatunayan na ako. Ngayon ito na 'to. Sa oras na makita ko siya hindi ko na siya papakawalan. Nakaramdam ako ang gutom hindi nga pala ako nakakain ng lunch kanina. Simula ng makita ko siya, hindi na siya mawala sa isipan ko. Pinuntahan ko pa nga mga kaibigan ko. Wala naman akong napala. Hindi na ako nagluto may natira pa kaninang umaga niluto ko adobong baboy ininit ko na lang. Pagkatapos ko kumain. hinugasan ko na mga kinain ko. Naligo na ako. Dahil sa hindi pa ako inaantok. Nagbukas muna ako ng UB ang Ultimate Barkada na sikat na app na kinahuhumalingan ng kabataan ngayon hanggang sa napatingin ako sa picture namin ni Chien. Ang saya niyang titigan. Napaiyak ako ng makita ko ang video namin dalawa. Ito 'yong video na nagsumpaan kaming dalawa na kahit anong mangyari hindi kami maghihiwalay pero anong ginawa ko. Ako 'yong hindi tumupad sa sumpaan namin dalawa. Sa'min dalawa ako bumitaw. Napa-suntok ako. Inisip ko lahat katangahan na ginawa ko. Mahal na mahal kita Chien sabi ko sa isip ko. Sa oras na magkita tayo sinusumpa ko hindi na kita papakawalan. Hanggang sa nakatulog ako.Tanging siya nasa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD