Chapter 6

1729 Words
Chapter 6 Chien's Pov "Hoy! Magnanakaw ka," sigaw ko sa kan'ya. Loko 'yon napapagod na ako sa pagtakbo, hindi ko pa rin siya na naghahabol. "Hoy! Kapag nahuli kita yari ka sa'kin." Hingal na hingal na ako ng mapadaan kami sa may kanto ng may mabunggo akong nakaharang kasi sa daanan namin. Nakaangat ako sa kan'ya. Naubusan ko kasi siya ng dala-dala niyang ice cream. Napatingin ako sa damit niya. Hala! Nadumihan ko siya. Seryoso niya ako tinitingnan. "Sorry po kuya!" sabi ko sa kan'ya. May hinahabol lang ako. Nakatitig pa rin siya sa'kin. Ako naman naguluhan sa reaksyon niya. "Magnanakaw!" Narinig ko sigaw ni bakla. Napalingon ako kay bakla papalapit sa'min. Naalala ko may hinahabol nga pala ako. Nakalimutan ko? Nang mapalapit sa'min si bakla napatingin si bakla sa lalaki nakabangga ko. Napaseryoso siya nakatingin sa'kin. "Nakuha mo phone ko?" Napahiling na lang ako. "Hindi mo nakuha, Eh bakit? Nandito ka? Sino siya?" Sabay turo niya. Infairness guwapo siya. Iba ka din girl, ang landi mo. Sabay lapit niya niyakap niya 'yong lalaki nakabangga ko walang sabi-sabi niyakap niya. Sa inis ko nabatukan ko siya. "Ipaalala ko sa'yo 'yong cp mo po." "'Wag mo na isipin cp ko. 1000 lang bili ko do'n." "Ano? Matapos ka paiyak-iyak sa cp mo. Loko ka pinagod mo lang ako." "Ang ingay mo, ok lang 'yon." "Ewan ko sa'yo, Pinagod mo ako." "Omg! Ito na sis ang matindi giyera sa buhay mo." Napakunot noo ako nakatingin sa kan'ya. "Wag ka lilingon," sabi niya sakin. "Bakit?" "Mga tauhan ni Cieron, nakakalat sis." "Na naman!" sabi ko sa kan'ya bigla ako. Napatingin ako sa lalaki panay tingin sa'kin. "Wala na ba 'tong katapusan. Ano gagawin ko." Napatingin si bakla sa katabi niya. "Hoy! Bakla ano 'yan?" Iba kasi tingin niya parang may nararamdaman ako kakaiba kay bakla. "Ito lang tanging paraan." "Ano? Hindi ko gusto iniisip mo." Tinawanan lang niya ako. "Ayaw mo 'yon adventure sa'yo." "Anong adventure sinasabi mo. Ikaw kaya makipag-habulan sa kanila araw-araw." Sarap din sabunutan bakla 'to. Kung hindi dahil sa kan'ya hindi ko makilala si Cieron. 'Yong isang 'yon hindi rin marunong makiramdam. Bobo din minsan o sadya trip lang niya ako. "Wala ka ng magagawa." Sabay tulak niya sakin do'n sa lalaki. Napayakap ako sa lalaki. "Magkunwari ka sis, Magkayakap kayong dalawa. Palapit na sila sa atin, kung ayaw mo mahuli. Sige ka ipapakilala ka na sa family niya." Nakatawa pa si bakla. Wala ako magawa, ramdam ko palapit na sila sa'min. "Ako aalis na baboo sis." Loko bakla 'to iiwan ako. Gagalaw na lang ako para pigilan plano ni bakla ng maramdaman ko nakayakap siya sa'kin mahigpit. Narinig ko na lang umalis na si bakla. Nayakap pa rin ako sa lalaki. "'Wag ka gagalaw nasa tabi na natin sila," bulong niya sakin. Ako naman, hindi na rin gumalaw. "Wala na ba?" sabi ko sa kan'ya. Tahimik lang siya. Walang sabi-sabi hinila niya ako. Napasunod ako sa kan'ya. Sa tapat lang namin kotse niya. "Sakay!" Naguluhan ako sa sinabi niya. "Sumakay ka na? Nandiyan na sila." Sa takot ko sumakay na ako. Buti na lang nakasakay ako, hindi ako naabutan isa sa tauhan ni Cieron. Tahimik lang siya sumakay. Naramdaman ko lang paalis na kami. Hindi ko alam saan kami nagpunta. Nahiya naman ako magtanong sa kan'ya, hindi naman kami close. Hanggang sa nakatulog ako. Kinabukasan maaga ako nagising napabangon ako. Naguluhan ako ang pakatanda ko nakatulog ako sa kotse nong lalaki nakabangga ko. Napatingin ako sa katabi ko. Hala! Magkatabi kami matulog sa isang kama. Napakunot noo ako nakatingin sa kan'ya. Bakit kami magkasama? Babangon na lang ako ng marinig ko boses niya. "Gising ka na pala?" sabi niya sa'kin. Nakaharap ako sa kan'ya nakasalubong kilay ko. "Bakit ako nandito?" mahinahon ko sabi ko sa kan'ya. "Nakatulog ka, hindi ko naman alam saan bahay mo, kaya dinala kita dito sa bahay natin." "Ah?" sabi ko. "I mean sa bahay ko." "Bahay mo?" Pag-uulit ko sa kan'ya. Tumango lang siya. "Sana ginising mo ako. Pasensuya na sa abala ah! Hindi mo naman ako kakilala, pero tinulungan mo ako." Seryoso niya ako tinitigan, iba 'yong tingin niya akin. "Anong pakulo 'to Chien, 'wag mo sabihin hindi mo ako kilala?" "Ah? Sino Chien," sabi ko sa kan'ya. "Hindi Chien pangalan ko ako si Charm ako." Tinawanan lang niya ako. "Talaga kinalimutan mo na ako." Naiinis na ako sa kan'ya. Ano ang pinagsasabi niya. Dumagdag pa siya sa iisipin ko. 'Wag niya sabihin may kakambal ako. Pakulo niya. Nag-iisa lang kaya 'to. "Ewan ko sa'yo kuya, Aalis na ako," sabi ko sa kan'ya. Aalis na ako ng hawakan niya kamay ko. "Hindi ka aalis! Hindi ka safe sa labas." Tinawanan ko lang siya. "Problema mo, ako naman masisirahan ng bait sa'yo. Pinagsasabi mo, kaya ko sarili ko. Ilang beses ko na siya nag-lulusutan. Ako pa ba?" "Ano?" Napapaatras ako sa sigaw niya. "Pakiulit sinabi mo?" "Sabi ko aalis na ako. May deliver pa ako hinihintay." "Pag sinabi ko hindi ka aalis. Hindi ka aalis." "Paki mo!" Hindi ko siya pinansin? Tinalikuran ko siya. Paalis na ako ng bigla niya ako buhatin sa kama. Walang sabi nilock niya. Napatingin ako sa kan'ya. Bigla ako natakot sa itsura niya. "Dito ka lang, para sa'yo 'to naman." 'Eh! Bakit ba nakikialam ka." "Dahil mahal kita," sigaw niya sa'kin. "Dahil hanggang ngayon Chien mahal kita. Mahirap ba intindihin 'yon? 'Wag ka naman magkunwari, hindi tayo magkakilala." "Hindi nga kita kilala. Sino ka ba? Ilang beses ko ba sa'yo sasabihin hindi Chien ang pangalan ko. Mukha hindi ako kay Cieron matakot. Sana hindi na lang akong sumama sa'yo. Mukha sa inyo ni Cieron ikaw may sayad," sabi ko sa kan'ya. "Pakawalan mo ako," sabi ko sa kan'ya. "Sorry pero hindi." Sabay alis niya. "Hala!" sabi ko na lang sa isip ko. Loko 'yon sinabi ng hindi ako si Chien. Sino ba 'yon? Maya-maya bumukas, ulit may dala na siya almusal. "Sige papakawalan kita. Pero sasabihin mo, bakit ka hinahabol ng mga lalaki?" Natulala ako sa kan'ya. Bakit ba siya nakikialam? Masyado na siya nakikialam sa personal life ko. Hindi ko nga siya pinapakialaman loko din isang 'to. "Sasabihin mo ba o mananatili ka dito?" Pag-uulit niya sa'kin. Napatingin ako sa kan'ya mukha hindi nga siya nagbibiro. Dahil sa ayaw ko naman manatili rito sa taong hindi ko kilala mas ok na sa labas ako kahit papaano nalulusutan ko si Cieron. "Ok fine! Sasabihin ko na. Natalo kasi ako sa pustahan." 'Yong mukha niya nakasalubong ang kilay. Hindi pa nga ako tapos. Nakakatakot naman siya. "Magkano? Ako magbabayad para matigil na kakahabol sa'yo?" Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi pera! Kung pera lang pag-uusapan ang yaman ng unggoy na 'yon," sabi ko sa kan'ya. "Sabi mo pustahan di ba?" "Oo! Pustahan nga, pero ako kailangan niya." Naguluhan ako sa tingin niya. "Kailangan na ano?" "Kailangan ipakilala sa angkan niya. Ako lang daw gusto niya pakasalan. Loko din unggoy na 'yon. Hindi ko naman siya gusto. Ang kulit kung hindi ko lang siya tinuring kaibigan. Nasapak ko ng unggoy na 'yon." "Good," sabi niya. "Ah?" "Wala. Basta iiwas ka sa unggoy na 'yon?" sabi niya sa'kin. "Hoy! Hindi siya unggoy. Ako lang may karapatan tawagin siyang unggoy. Ang bait kaya niya. Iniwasan ko lang siya dahil ayaw ko magsinungaling sa harap ng angkan nila. Nakakahiya kaya 'yon. Oh! Sinabi ko na sa'yo. Pakawalan mo na ako tumupad ka ah!" "As if siya tumutupad sa usapan. Hindi ka nga tumupad sa pustahan niyo." "Iba 'yon, malay ko ba 'yon plano niya. Pumayag lang naman ako, hindi ko naman totohanin niya. Nakakarami ka na ang dami mo na nalalaman sa'kin." Napatingin ako sa kan'ya ngayon ko lang napansin ang guwapo pala niya. Parang 'yong mga napapanood ko sa tv. "Sige na kumain ka na." "Hindi na, late na nga ako. Isa pa may deliver kasi kami ngayon. Lagot na ako kay bakla nito. Panigurado nakasalubong na ang dalawang kilay na 'yon. Puwede na ba ako umalis?" sabi ko. "Ihahatid na kita." Hindi na ako nakikipagtalo. Mahirap na baga magbago utak ng lalaki na 'to. Ang gulo pa naman kausap, tinatawag ba naman ako Chien. Ilang beses ko na sinabi sa kan'ya hindi ako si Chien. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Para makaalis na ako rito, nanahimik na ako. Hinatid na nga niya ako. Tumuloy muna ako sa tinutuluyan namin ni bakla siya kasi kasama ko sa bahay. "Tuloy ka?" sabi ko sa kan'ya. Napatingin siya sa bahay tuluyan ko. "Pasensya na po sir, hindi kasi malaki ang bahay namin sir," sabi ko sa kan'ya. "Safe ba kayo rito?" "Oo naman, Ikaw lang tanging nakakaalam. Hay hindi pala 'yong bestfriend ko nasa cebu lang siya." Tumango na lang siya. "Eh! 'Yon unggoy na 'yon? Alam ba niya?" "Sa tingin mo mag-aaksaya siya magbayad ng kadaming tauhan niya para sundan ako. Kung alam naman niya bahay ko. Minsan bobo mo din." Natawa siya sa sinabi ko. "Bakit nakakatawa ka?" "Wala ganyan na ganyan si Chien." "Chien na naman! Ilang beses ko ba sasabihin sayo na-." Hindi ko na natuloy sasabihin ko ng bigla niya ako halikan na kinagulat ko. Natulala ako na palayo sa kan'ya. "Sige na, umalis ka na?" Habang nakayuko ako. Naramdaman ko nakaalis na siya. Ako naman natulala lang sa kawalan. "Oh! Sis buti naisipan mo umuwi Nakasalubong ko si mister pogi. Ano nakascore na ba?" Binatukan ko siya. Pinagsasabi niya baklang 'to. "Tara na nga," sabi ko sa kan'ya. "Magpahinga ka na. Tinapos ko na!" sabi niya sa'kin. "Ang suwerte mo araw na 'to." Napakunot noo ako napatingin sa kan'ya. "Bakit?" "Dahil nakasalubong ko si Cieron, hinahanap ka niya sa'kin." "Ano sabi mo?" Tumawa siya nakakaloko. "Sabi ko nagpakasal ka na." "Siraulo ka, ano sabi niya?" "Ayon na badtrip sa'kin? Iniwan niya ako. Sabi ko kasi 'wag ka na niya guluhin. Di ba, may silbi din lalaki kasama mo? Sis, ano name niya?" Napaisip ako sa sinabi niya. "Hindi ko alam? Hindi naman niya sinabi," sabi ko sa kan'ya "What? Hindi kayo nag-usap." "Hindi!" Malakas ako sabi sa kan'ya. "Hindi kami close bakla ka." "Ewan ko sa'yo sis, makaalis na nga. 'Wag ka lalabas," sabi niya sa'kin. Ako naman hinayaan ko na siya. Dahil sa wala naman ako gagawin. Naglilinis na lang ako. baklang 'yon hindi man lang nilinis banyo namin. Matapos ko maglinis sa loob ng bahay, bigla ako napagod ang pahinga muna ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD