Chapter 7
Gariel's Pov
"Happy birthday," sabi ko sa kan'ya. Nasurpresa ba kita gago ka?
"Kailan ka ba dito?" seryoso sabi niya sa"kin.
"Simula nag-cebu ka gago ka."
"Matagal ka na pala dito. Bakit hindi ko man lang alam."
"Gago! Masyado ka kasi busy." Sabay batok ni Harold kay Lex.
"Ano? Saan tayo ngayon. 'Wag mo sabihin pass ka. Masasapak kita." Banta ni Jexiel sa kan'ya. Natawa ako sa kanila. Ito kasi namiss ko sa mga kaibigan ko. Kapag birthday usapan lahat present.
"Ok fine! Dito na lang tayo. Ayaw ko umalis."
"Gago bumangon ka na nga, 5pm pa lang."
"Oo na bumaba na nga kayo," sabi niya sa amin. Sa inis ko hinila ko siya. Sobra ko siya namiss.
"Ano ba?" Pinagtawanan lang siya namin. Pagbaba niya nagulat siya.
"Surprise," sigaw ni Kim at Jake. Natawa kami sa reaksyon ni Lex. Naiyak kasi ang gago.
"Namiss ko 'to," sabi niya.
"Nagustuhan mo ba? Si Gariel nakaisip niya." Sabay kiliti sa'kin ni Kim.
"Sana all," sabi ni Harold. Kinatawa namin, mukha may ibig sabihin ng mokong na 'to. Nagpaparamdam siya sa'min.
"Ano pa hinihintay natin, kainan na. Tangina kanina pa ako gutom tiniis ko lang, gago kasi 'tong si Kim ayaw ko ako bigyan."
"Patay gutom ka talaga kahit kailan Harold." Natawa kami sa sinabi ni Jake sa kan'ya.
"Kumain na nga tayo." Nag-unahan pa ang loko. Napasunod na lang ako sa kanila. Natatawa ako sa itsura ni Lex, siya kasi ang pinagtripan ni Harold. Loko isang 'to hindi nagbabago ng bigla kami napatingin sa isat-isa ng may marinig kami boses na nagtatalo. Napatingin ako kay Lex na tahimik lang siya maya-maya lahat kami napalingon ng may sumigaw. Sa gulat namin napatayo kaming lahat nagkatinginan. Hindi makapaniwala sa nakita. Sa kan'ya lang mata ko habang siya nakatingin sa amin. Napalapit sa'kin si bakla seryoso nakatitig. Napalapit si Lex sa kanila. Ako naman naguguluhan.
"Happy birthday." Sabay yakap ni Chien kay Lex. Lahat kami nagkatinginan sa ginawa ni Chien kay Lex. May binigay si Chien sa kan'ya.
"Oh! May bisita ka pala," sabi ni Chien sa'min. Tumango lang si Lex sa kan'ya.
"Omg! Parang kilala kita," sigaw ng bakla sa akin. Mukha nag-isip pa nga siya. Mga kasama ko nakakunot noo hinarap ako.
"Sabi na, teka ano ginagawa mo rito mr.guwapo?" Napatingin sa'kin mga kaibigan ko.
"Sis! Si guwapo nandito." Napatingin ako kay Chien. Seryoso lang mukha niya.
"Alam ko. Nakita ko. Paulit-ulit lang. Ano ginagawa mo rito?" sabi ni Chien sa'kin.
"Chien!" Nagulat ako ng bigla na lang lumapit si Jake. Nilapitan niya, ang loko niyakap pa talaga si Chien. Nagulat kami sa ginawa ni Jake. Napatingin ako sa magiging reaksyon ni Chien napaatras siya bigla. Ganyan na ganyan reaksyon niya ng tawagin ko siyang Chien.
"Sino ka? Hindi kita kilala? Bakit ba pilit niyo ako tinatawag na Chien. Hindi naman Chien ang pangalan ko."
"Oo nga! Charm pangalan niya."
"Charm!" sigaw ng mga kaibigan ko. Napatingin ako kay Lex na ngayon nakayuko lang siya. Mukha siya may alam nangyari kay Chien. Bakit pinipilit niya hindi niya kami kilala?
"Charm nga, tanong niyo pa sa bestfriend ko, di ba Lex?" Napatingin ako kay Lex . Siya tinutukoy ni Chien na bestfriend niya. Bakit nilihim ni Lex sa'min 'to. Ano ba talaga nangyari? Naguguluhan na ako.
"Hindi na kami magtatagal, mukha may bisita ka. Happy birthday bessy," sabi ni Chien sa kan'ya.
"Ang weird ng mga kaibigan mo?" narinig ko sabi ni Chien kay Lex.
"Kumain muna kayo?" Napatingin kami kay Kim. Nakatawa siya nakaharap sa akin.
"Hindi na. Bukas na lang kami magbobonding di ba bakla?"
"Kainin mo 'yan Lex, pinaghirapan 'yan ni sis pansit bihon para sa'yo." Tumango lang si Lex sa kanila. Napatingin ako kay Chien namumutla siya.
"Ok ka lang," sabi ko sa kan'ya.
"Oo nga sis, Nangyari sa'yo?"
"Bigla na lang sumakit ulo ko."
"Napapadalas na 'yan sis."
"Ang oa mo ok lang ako, tara na." Sabay hila niya kay bakla.
"Wait lang bakla." Sabay harap ni bakla sa akin.
"Ang tagal na natin hindi nagkita Mr. Guwapo, hindi man lang namin nalaman ang pangalan mo."
"Ang landi mo, tara na nga?" Sabay hila ni Chien sa kan'ya. Umalis na nga sila. Gusto ko siya pigilan, pero sa tuwing pinipilit namin siya si Chien. Pilit naman niya tinatanggi. Napatingin bigla ako kay Lex. Dahil sa kaba niya naubos niya 'yong wine na sa malapit sa kan'ya. Lahat kami napatingin sa kan'ya.
"Ok fine! Sasabihin ko na sa inyo ang totoo. Hindi siya si Chien ay dahil ang alam niya siya si Charm." Naguluhan ako sa sinabi ni Lex.
"Anong sinasabi mo? Diretsahin mo na nga lang kami."
"May mga bagay siya hindi maaalala."
"Teka 'wag mo sabihin may amnesia si Chien? Paano?" seryoso sabi ni kim sa kan'ya.
"Amnesia nga pero hindi lahat natatandaan niya kung baga may mga iilan lang siya naalala."
"Paano nangyari? Paano nagka-amnesia si Chien," sabi ko sa kan'ya
"Dahil sa'yo gago ka," sigaw ni Lex sa akin.
"Hinabol ka niya sa araw ng pag-alis mo. Naaksidente siya sasakyan niya. Sinundan ko siya ng makita ko siya kausap ni manang sa labas. Nagmamadali siya umalis. Dahil sa'yo kaya siya naaksidente." Para akong nanghihina sa sinabi ni Lex.
"Pasalamat ka buhay sila pareho, pero si Chien siya ang nagdusa Kung alam niyo lang pinagdaanan ni Chien. Galit na galit kuya niya hindi ko masabi totoo nangyari."
"Ang tagal pre! Ang tagal mo inilihim sa'min," sabi ni Jake sa kan'ya.
"Para ano? Masaktan naman siya ulit sainyo? Ang dami pinagdaanan ni Chien. Nakikiusap ako 'wag niyo na siya guluhin. Masaya na siya ngayon." Napasuntok ako sa kawalan.
"Masaya ah! May masaya na nakikipag-habulan araw-araw," sigaw ko kay Lex. Napaseryoso siya nakaharap sa'kin.
"Para sa kan'ya adventure lahat nang 'to sa kan'ya. Kung si Cieron ang tinutukoy ko mo. 'Wag ka mag-alala pinagtitripan lang siya ni Cieron."
"Alam mo? Anong pinag-tripan?"
"Ganito kami magkakaibigan. Masyado kasi mautak si Chien."
"Gago ka ba?" sabi ko sa kan'ya.
"Relax lang, Kan'ya-kan'yang trip lang yan. Teka nga paano mo nalaman? Paano kayo nagkita ni Chien?"
"Sa mall," sabi ni Kim.
"Sa mall namin siya nakita." Natawa siya sa sinabi ni Kim.
"So! Nakita mo pala kalokohan ni Chien." Tawang-tawa pa ang loko.
"Gago ka! Tawang-tawa ka pa." Sabay batok ko sa kan'ya. Talaga nagagawa pa niya tumawa. Kung nakita niya lang itsura ni Chien.
"Relax lang nga kayo. Si Chien pa ba! Ang dami niya, kasalanan sa amin. Gumaganti lang kami sa kan'ya."
"Tangina! Mukha close na close na kayo ni chien ah!" Tumawa lang ulit si Lex sa sinabi ni Harold sa kan'ya.
"Mas gugustuhin ko pa nga hindi na bumalik alaala ni Chien." Sabay tawa niya ulit.
"Gago ka," sabay sabi namin.
"I mean, masaya kaya siya ibang tao. Ang sarap niya kasama. Isa pa nangunguna sa kalokohan." Sabay tawa pa niya.
"Sali kami dyan."
"Tangina Harold, hindi mo gugustuhin, mapasama sa grupo namin."
"Kahit ano pa 'yan sasama ako."
"Ako din," sabi ni Jake kay Harold.
"Sa lagay kayo lang. Sama din ako." Nakipag-Apir pa si Jexiel kay Harold.
"Kung sasama kayo kami din ni Gariel. Ano Gariel game ka?"
"No!" Sigaw sa amin ni Lex.
"Hindi kayo kasama lahat. Gago kayo." Sabay talikod niya sa'min.
"Saan ka pupunta?" sabi ko sa kan'ya.
"Kay Charm este kay Chien." sigaw niya sa amin. Sainis ko kinikwelyuhan ko siya.
"Subukan mo lang."
"Tangina problema mo."
"Uunahan mo pa ako kay Chien." Tumawa siya nakaharap sa'kin.
"Wala ako matandaan nagkabalikan kayo. Ang pagkakaalam ko malapit na siya ikasal." Sabay tawa niya.
"Kakasal sino?"
"Tanga ka rin," sabi ni Lex kay Harold.
"Si Charm ikakasal na."
"Chein!" sigaw nila kay Lex.
"Same naman 'yon. Mag-inuman na nga tayo." Tinalikuran niya kami. Kumuha ng maiinom. Ang mga loko sumunod din. Tawang-tawa pa. Napapahiling na lang kami ni Kim? Napatingin ako sa kanila. Tangina lasing na mga loko. Si Kim nauna na umuwi sa'min. Si Jake ayon nakatulog na sa kalasingan. Si Harold at si Jexiel inaasar si Lex. Ang mga loko tawang-tawa sa mga kuwento nila, sila-sila lang naman magkasama hanggang sa nahilo, ako iniwan ko na sila. Hindi na ako nagpaalam. Umuwi na ako. Pagkarating ko sa bahay ko. Hindi na ako nagpalit ng damit, natulog na ako.