Chapter 8

1689 Words
Chapter 8 Chien's Pov "Problema mo?" sabay lapit ni Cieron sa'kin. "Napapaisip lang ako. Nitong nakaraan linggo. Marami gumugulo sa'kin." Tinawanan lang niya ako. "Tulad ng ano? Pakikipaghabulan sa mga tauhan ko." Sinimangutan ko siya. "Oo nga pala nakakainis ka!" Sabay batok ko sa kan'ya. "Anong pakulo 'yon?" mataray ko sabi sa kan'ya. Ang lakas ng tawa niya. "Bakit nakipag-habulan ka?" "Gagi ka! Kung magpapahuli kasi ako. Nakakainis namin kasi mga tauhan mo sobra kulit, talaga gagawin nila. 'Yong isa do'n, aba! Gusto pa ako buhatin. Napapatingin sa'min mga tao. Dumagdag pa si bakla sobra OA. Namumuro ka na talaga sa'kin." Tawang-tawa pa ang unggoy. "Ikaw pa galit, may kasalanan ka pa nga sa'kin." Sinimangutan ko lang siya. "Paano naman kasi, wala sa usapan personal life. Talaga ako pa napili mo ipakilala sa angkan niyo. Ang bait-bait nila sa'kin. Tapos idadamay mo pa ako. Kahit pa ilang tauhan mo pa makikipag-habulan ako," sabi ko sa kan'ya. "Wala naman kasi ako iba maisip. Isa pa sa lahat ng nakilala ko babae, ikaw pinakamatino." "Wow! Ako talaga! Nakakainsulto ka naman." "Totoo sinasabi ko. Tara na?" Sabay hila niya. "Teka lang?" "Wala ako balak ipakilala ka. Namiss lang kita. Matagal na kita gusto makasama." "Sinabi mo 'yan ah! Lagot ka sa'kin unggoy ka." Tawang -tawa pa siya. "Oo sabi. Tara na nga?" Sabay hila niya. "Saan tayo?" "Saan pa sa tahimik na lugar ng tayong dalawa lang?" Nakakunot noo ako hinarap siya. "Oh! Bakit? May nasabi ba ako masama?" "Subukan mo." Nakatawa pa ang loko. "Wala nga! Kailan ba kita pinagsamantalahan," sabi niya sa'kin. "Subukan mo lang. Nakikita mo ang kamao na 'to?" Sabay pa kita ko sa kan'ya. "Grabe takot na takot ako ah!" "Matakot ka." Sabay tawa ko. Hinila ko na siya. Siya naman, napasunod lang sa'kin. "Magdrive ka na nga." "Opo boss Charm!" Sabay saludo niya. Nanahimik na lang ako. Natahimik lang kami habang ako napapatingin lang sa kan'ya. Habang siya seryoso nakadrive. Napatingin ako sa paligid. Sobra ganda ang dami mga bulaklak sa bawat daanan. Napahinto si Cieron nakatawa napatingin sa'kin. "Sabi na ito lang makakapangiti sayo," sabi niya sa'kin. "Oo nga eh! Ikaw ba naman ang gaganda ng mga bulaklak nakabungad sa harapan mo." "Para sa'yo talaga 'yan. Nagustuhan mo ba?" "Anong para sa'yo 'yan?" "Tanga ka ba?" "Gagi ka. Umayos ka." "Seryoso nga ako para sa'yo 'to." "Bakit?" "Dahil binili ko para sa'yo. Simula ngayon dito ka na magwork para naman hindi ka masyado mastress." "Baliw," sabi ko sa kan'ya. "Seryoso ko para sa'yo 'yan. Ikaw dahilan pagbabago ko," seryoso sabi niya. "Alam mo ba, wala direksyon ang buhay ko, pero simula ng nakilala kita nagbago ang lahat Charm. Hindi ako aasenso kung hindi dahil sa'yo. Kaya gusto ko ibahagi ang mayroon ako." "Hindi mo naman kailangan gawin 'to." "Alam ko, tatangihan mo 'to. Please kunin mo na, Atsaka wala ka na magagawa binili ko na nasa pangalan mo na 'to." Sabay pakita niya sa'kin. Kinuha ko sa kan'ya. Seryoso ko tinitigan. "Seryoso ka!" Sabay yakap ko sa kan'ya. "Salamat! Promise papalaguhin ko 'to. Pero sa'tin dalawa to ah!" Tinawanan niya lang ako. "Anong alam ko riyan, kay bakla mo na ibigay para sa akin." "Okay," sabi ko. "Matutuwa nito si bakla, upo muna tayo." Hinila ko siya sa may likod ng puno. "Gusto ko kaya umakyat," sabi ko sa kan'ya. "Gusto ko 'yan." Nauna pa ang unggoy umakyat. "Gagi ka, bakit iniwan mo ko." "Umakyat ka, di ba sabi mo malakas ka." "Pag ako naka-akyat. Sa sabunutan kita." Tinawanan lang niya ako. "Gawin mo!" Loko to ah! Talaga hinahamon niya ako. Pinilit ko umakyat, pero hindi ko magawa. "Ano! Ang tagal." "Ewan ko sa'yo." Sabay talikud ko sa kan'ya. "Hoy! Saan ka pupunta?" "Uuwi na," sabi ko sa kan'ya." Natawa ko narinig ko tumalon siya. Napalingon ako sa kan'ya. "Oh! Bakit nakababa ka na?" "Aalis ka eh." "Paano naman unfair." "Tara na nga! Kain na lang tayo kay manang." "Gusto ko 'yan." Sabay hila ko sa kan'ya. Pinuntahan nga namin si Manang, ang sarap kasi ng bulalo ni Manang. Napatingin ako kay Cieron ang dami niya nakain. "Gutom ka ba?" "Masarap eh! Di ba Manang?" "Buliro," sabi niya sa amin. "Masarap naman talaga manang," sabi ko. Nang bigla ako napalingon. Napakunot noo ako ng makita ko siya. Bakit nandito sila? Napatingin sila sa'kin. Ako naman napaiwas na lang. Napatingin ako kay Cieron ngayon nakikipagbiruan na sa katabi. Loko to ah! Nakakita lang maganda ng nakalimutan na ako. "Hmmmn!" Parinig ko sa kan'ya. Napatingin siya sa'kin. Nakakatawa ang unggoy. "'Wag ka ng magselos asawa ko." Ano daw asawa ko. Sa inis ko binatukan ko siya. "Grabe siya! Ganyan ka ba naglilihi?" Sabay tawa niya ulit. Sinimangutan ko lang siya. Iniwan ko siya. "Hoy! Asawa ko," sigaw niya. Napatingin ako lahat sila nakatingin sa'min. Napatingin ako sa kabilang table. 'Yong mukha nila seryoso lang. Sa inis ko hinila ko siya palabas. "Nakakainis ka na." "3 points." Sabay tawa niya. "Ah ganun ah!" sabi ko sa kan'ya. "Humanda ka." "Talagang paghahandaan ko 'yan." Tinalikuran na ako ng loko na 'to. "Loko ka!" sabay habol ko sa kan'ya. Natawa ako sa naiisip ko. Napatingin ako sa gilid. Nakita ko matagal na niyang crush ni Cieron si Erika. Ngayon ako naman pang-iinis sa kan'ya. Sabay yakap ko sa likuran niya. Palapit na sa'min 'yong girl na crush na crush niya. "I love you babes!" Nagulat siya sa ginawa ko. Nakaharap siya sa'kin. Nakita niya ang crush niya. Nakasimangot siya hinarap ako. Ako naman tawang-tawa lang. "6 point," sabi ko sa kan'ya pabulong. "Sige na magdate na kayo." Iniwan ko na ang unggoy. Bahala siya buhay niya. Ang loko hindi nga ako pinigilan. Sa inis ko nag-abang na ako. Loko 'yon nakita lang crush niya. Hindi man lang ako pinigilan. Pasakay na ako ng may humila sa'kin. Napa-yakap ako sa kan'ya. Pagtingin ko. Seryoso ko lang siya tinitigan. "Sir! Sa akin siya sasakay." Napatingin lang ako sa kan'ya. Problema isang 'to. "Anong sa'yo?" sabi ko sa kan'ya. "Sa'kin," sabi niya ulit. Paglingon ko na nakaalis na. Paano na ako nito, hirap pa naman makahanap ng sasakyan. Masama ko siya tiningnan. "Problema mo?" mataray ko sabi sa kan'ya. Patalikod na ako ng bigla niya ako buhatin. Nagulat ako sa ginawa niya. Namalayan ko na lang nakasakay na ako sa kan'ya. Nakalock pa talaga, masama ko lang siya tiningnan. Nagdrive lang siya ng mapansin ko iba direksyon niya. "Saan mo ba ako dadalhin?" Tahimik lang siya. Hindi niya ako naririnig. "Hoy! Ano ba?" Hindi pa rin niya ako pinapansin. "Ano ba kuya?" mahinahon ko na sabi sa kan'ya, hindi ko kasi matandaan pangalan niya. Ilang beses na kami nakasalubong lokong 'to. "Hindi ako kuya mo. Ako si Gariel," sabi niya. Sa wakas napansin din niya ako. Sinabi pa talaga pangalan niya, hindi ko naman tinatanong. "Gariel na kung Gariel. Bakit ba?" "Iuuwi na kita sa bahay natin." "Anong bahay natin?" mataray ko sabi sa kan'ya. "Bahay natin? Dahil mag-asawa na tayo." Napa-seryoso ako nakatingin sa kan'ya. "Anong pinagsasabi mo?" Siraulo ba 'tong lalaki na 'to! Ang gulo kausap. Sa dami-dami na puwedeng pagtripan ako pa. "Mag-asawa na tayo. Sa mata ng mga taong kilala natin." "Anong pinagsasabi mo?" Parang nahilo ako bigla sa pinagsasabi niya. Naipikit ko mga mata ko. Pagmulat ko nasa bahay na niya ako. "Ang haba ng gising mo. May hinanda ako pagkain para sa'yo. Alam ko favorite mo 'to adobong manok." Napakunot noo lang ako nakaharap sa kan'ya. "Bakit ba tinatawag mo ako si Chien? May Kakambal ba ako? Ang pagkakaalam ko wala akong kakambal. Sino si Chien?" Tuloy-tuloy ko sabi sa kan'ya. Seryoso lang siya nakatingin sa'kin. "May dumi ba sa mukha ko?" Panay kasi tingin niya. "Maganda ka pa rin," sabi niya sa'kin. Tumayo ako niligpit ko, dala niya pagkain. "Hindi mo ba gusto?" "Gusto ko, pero sa kusina ako kakain. Wala naman ako sakit." Sabay tayo ko. Lalabas na lang ako ng bigla niya agawin sa'kin dala ko. Hindi ko inagaw sa kan'ya ulit, ang kulit kasi niya. Napasunod na lang ako. Ang dami ko sa kan'ya tanong. Bakit lagi niya ako tinatawag na Chien?tapos madalas niya ako dinadala sa bahay niya. Ang weird kasi niya hindi naman niya kakilala. Paano kung magnanakaw ako eh di nawalan siya gamit, hindi rin nag-iisip isang 'to. Napa-sunod na lang ako sa kan'ya hanggang sa kusina na kami. Maingat na inilatag. Ako naman napa-seryoso sa katabi niya nakatingin sa kan'ya. Napansin ko ang ganda ng katawan niya. "Kain na tayo," maingat niya ako pinaupo. Napasunod lang ako sa kan'ya. Nagulat ako ng bigla niya ako subuan. Nakatitig lang ako sa kan'ya. "Hah! Nangangalay na ako" "May kamay ako. Kakain ako," mahina ko sabi sa kanya. "Hah!" sabi niya ulit. Ang ulit naman niya. Wala ako magawa napalapit ako sa kan'ya kinuha ko na lang. "Ako hindi mo ba susubuan?" Nabulunan ako sa sinasabi niya? "Problema mo?" mataray ko sabi sa kan'ya. "Isa pa magkasintahan gumagawa niyan. Hindi naman kita kasintahan ah!" "Eh! Dati naman ah! magkasintahan tayo." Naguluhan ako sa sinasabi niya. "Paanong nangyari hindi naman tayo magkakilala?" "Matagal na tayo magkakilala." Ano daw? Magkakilala na kami. "Magkakilala na tayo? Bakit wala ako matandaan nakilala na kita?" "Bakit si Lex, kilala mo?" "Si lex?" Pag-uulit ko sa kan'ya. Isa pa 'to iniisip ko. Bakit kilala niya si Lex? "Oo si Lex? Bakit kilala mo?" "Simula pa, magkakilala na kami," sabi ko sa kanya. Tinawanan lang niya ako. "Talaga lang ah! Sige nga, ano memory mo sa kan'ya no'ng high school kayo." Napaseryoso ako napaisip sa sinabi niya. Pilit ko inaalala, pero wala ako maalala. Hanggang sa sumakit ang ulo ko sa kaiisip. "May problema ba?" Napatingin ako sa kan'ya. "Wala!" Hindi na lang ako nag-pahalata. Madalas sumasakit ang ulo kapag may mga bagay ako pilit na inaalala. "Gusto ko na umuwi gabi," sabi ko na lang sa kan'ya. "Ok!" Sabay tayo niya. Nakatayo na lang ako. Hinatid niya ako sa bahay buti na lang wala si bakla. "Salamat," sabi ko. "Sige na makakaalis ka na." Walang sabing tinalikuran niya ako. Pagkaalis niya bigla sumakit ulo ko. Napaupo ako sa sala pinikit ko mga mata ko hanggang sa nakatulog ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD