Chapter 9
Gariel's Pov
Maaga akong nagising pinuntahan ko si Chien. Ramdam ko masaya siya sa mga taong nakakasalamuha niya ngayon. Nakikipag-Tawanan sa mga taong mapalapit sa kan'ya.Tama nga si Lex, mukha ibang iba na pagkatao ni Chien. Hindi na siya Chien na kilala ko ngayon, palaban na siya. Napatingin ako sa relo ko at 6 am na. Paalis na ako ng may matanggap ako text. Nakakunot noo, ako binuksan ko at binasa.
Messages
Mommy: "Nasaan ka na ba? Kanina pa kami naghihintay sa'yo?" Tangina bakit ba ang kulit ng parent ko? Bakit ba pinagsisiksikan nila ako kay Kim. Magkaibigan lang naman kami. Isa lang taong minahal ko. Bakit ba ayaw ako tigilan ng mommy ko? Hindi na ako nagreply. Isasara ko na ulit na ang phone ko ng may tumawag sa phone. Sa inis ko sinagot ko kahit hindi ko pa nakikita sinong tumatawag sa phone ko.
"Hello!" sigaw ko sa kan'ya.
"Tangina mo kuya, ang aga-aga naninigaw ka. Saan ka na ba?" Naririndi na kami sa ingay ni Mommy.
"Bakit ba?"
"Anong bakit? Alam mo naman isa lang gusto ni Mommy, makahanap ka ng mapapangasawa. Ano ba ang tagal mo kasi ipakilala."
"Ang ingay mo. Pupunta na ako riyan."
"Isama mo girlfriend mo ah. Kung ayaw mo mainis." Hindi ko na pinakinggan sasabihin ng kapatid ko. Bakit ba lahat sila pinangungunahan ako? Napahiling na lang ako. Nagdrive na ulit ako hanggang sa nakauwi na ako sa bahay namin. Matagal-tagal na rin ako hindi nauwi sa bahay simula ng bumalik ako dito. Limang-taon ako nawala. Limang-taon kung sinayang sa'min ni Chien. Limang-taon ko siyang hindi pinakinggan.
"Hoy! Kuya nakatulala ka na riyan. Wala ka bang balak lumabas. Tangina nagugutom na kami." Napatingin ako, masama sa kapatid ko. Tangina bakit ba ayaw ako tantanan mga 'to.
"Lumabas ka na nga riyan."
"Tangina kuya Gabbie, mukha mainit ang ulo ni Kuya Gariel."
"Gago bobo ka rin eh!" Sinong hindi iinit ng ulo kung araw-araw ba naman siya kinukulit ni Mommy. Ayaw pa kasi bigyan ng apo." Sabay tawa pa ng dalawa kong kapatid.
"Ano Kuya, may ipapakilala ka na ba?" Sa inis ko bumaba na ako. Sabay sabay ko silang binatukan.
"Tangina Kuya ang sakit non ah!"
"Manahimik ka nga Garrie. Isa ka pa, pag-aaral atupagin mo mga siraulo kayo."
"Tangina Kuya 17 na ako hoy!"
"Gago pinagmamalaki mo pa."
"Bakit ba? Eh ikaw nga college na bobo naman."
"Gago ka Garrie! Anong bobo ka riyan, gago ka ah." Napahiling na lang ako sa kalokohan ng mga kapatid ko. Iniwan ko na sila. Pumasok na ako sa loob. Nagulat sa nakita ko. Anong meron? Napatingin ako sa kanila.
"Nagulat ka ba kuya?" Sabay akbay sa'kin ni Garrie.
"Anong meron?"
"Ewan ko." Napatingin lang ako sa kanila.
"Tara na nga!" Sabay hila ni Garrie sa'kin."
"Oh! nandito na pala ang panganay ko." Napatingin ako hindi ko kasi kilala kausap ng parent ko.
"Siya na ba angpanganay mo?" Napakunot noo ako napaharap sa katapat ko. Ang ganda niya, parang may hawig siya kay Mommy.
"Siya na nga."
"Ang laki ng pamangkin ko."
"Oh! Bakit hindi ka magmano sa Tita Cienna mo?" Napalapit ako nagmano ako kay Tita Cienna.
"Ikaw kasi, tuloy hindi ka kilala ng mga pamangkin mo."
"Pasensyia na busy kasi ako. Alam muna!"
"Busy pagpapayaman."
"Hindi naman, ayaw kasi ng asawa ko. Alam mo naman 'yon, tahimik lang tao. Gustong-gusto sa mga tahimik na lugar."
"Oh! Late na ba kami?" Sabay-sabay kami napalingon. Nagulat ako napatingin sa kanila. Napatingin si Manang sa'kin.
"Wow! Ikaw na ba 'yan pamangkin." Sabay lapit ni Mommy. Napatingin ako sa lalaki, siya ang lalaki kasama ni Chien kahapon.
"Guwapo ko di ba?" Tangina ang lakas din hangin isang 'to.
"Oo naman. Sinong nagsabi pangit ka."
"Siya!" Sabay turo nong lalaki kay Chien.
"Pangit daw ako." Nakatawa pa ang loko. Kumukulo dugo ko sa kan'ya.
"Pangit ka naman talaga." Sabay tawa ni Chien sa kan'ya. Mukha close sila.
"Bakit sumama ka?"
"Anong sumama ka riyan, ikaw nagyaya sa akin." Napatingin lang ako sa kanila, hindi ko mapigilan hilahin si Chien sa kan'ya. Nagulat sila sa ginawa ko.
"Dito ka lang sa tabi ko," mahina ko sabi sa kan'ya habang sila nakatingin sa'kin.
"Problema mo?" mahina niya rin sabi sa'kin.
"Pag sinabi ko, dito ka lang sa tabi ko, dito ka lang."
"Bakit?"
"Dahil nagseselos ako." Tinawanan lang niya ako. Sabay bitaw sa'kin. Talaga lumapit pa sa lalaki. Lalapitan ko ulit sana siya ng hilahin ako ni Manang.
"Di ba siya si Chien?" mahina tanong sa akin ni Manang. Tumango lang ako.
"Siya ba? Parang hindi niya ako nakilala."
"May amnesia siya manang," mahina ko sabi kay Manang. Nagulat si manang sa sinabi ko.
"Paanong?"
"Kasalanan ko po. Sinundan niya ako, tapos nabangga sasakyan niya."
"Oh!" Sabay takip ni Manang sa mukha niya.
"Paanong? Naaalala ko na, pagkaalis mo, pinuntahan ka niya. Sabi ko sa kan'ya kaalis mo pa lang. Oh tama, nagmadali siya. Hindi na nga niya ako kinausap."
"Kasalanan ko po."
"Anong gagawin mo?"
"Ibabalik ko siya sa buhay ko." Tinawanan lang ako ni Manang.
"Goodluck, sige na anak. Mukha ng kasiyahan na sila."
"Ako na po riyan, kinuha ko na inihaw na bangus." Maingat ko nilagay sa kanila.
"Wow! Mabubusog ako nito." Sabay kuha ng lalaki na 'to. Hindi naman sa kan'ya.
"Hep hep!" Sabay tapik ni Chien sa kan'ya. "'Wag ka nga ganyan."
"Ok lang! Ang cute niyo dalawa. Kayo na ba?" Napatingin ako sa sinabi ni Mommy habang 'yong lalaki nakatawa lang sabay akbay pa kay Chien. Tangina kung hindi ako nakapagpigil makakasapak ako gago 'to.
"Bagay sila, ewan ko ba sa dalawang to! Ang lakas kasi makatorpe isang 'to." Nagulat ako ng bigla tumawa dalawa kong kapatid, napatingin ako kay Chien nakatawa rin siya sa sinabi Tita Cienna
"Tangina insan, lakas mo makatorpe. Tuturuan kita." Tawang-tawa pa si Garrie.
"Anong tuturuan, ang bata-bata mo pa."
"Si Tita Cienna, malaki na ako. Ano Kuya Cieron?" Napatingin ako sa sinabi ni Garrie.
"Cieron!" Pag-uulit ko lahat sila nakatingin sa'kin.
"Bakit pre!" Sabay tingin niya sa'kin. Napatingin ako kay Chien, nakangiti siya nakaharap sa akin.
"Wala!" sabi ko ba lang.
"Ah OK!" mahina niya sabi.
"Hoy ano ba! Busog na ako." Napatingin bigla ako kay Chien. Tumayo na lang ako baka hindi ko mapigilan sarili ko.
"Oh! Hindi ka pa nakakain."
"May lakad kasi ako Tita Cienna, pasensiya na po." Nagpaalam na ako sa kanila. Kinalma ko muna ang sarili ko bago nagdrive. Tinawagan ko Si Jake!
"Hello!" mahina niya sabi.
"Pumunta ka sa Paraiso," sabi ko sa kan'ya.
"Bakit ba?"
"Bilisan mo!" Sabay off ko, hahaba pa usapan namin dalawa. Kami lang dalawa nakakaalam lugar na kung saan may hinanda kami bagong business. Kung saan mahilig si Chien sa mga bulaklak. Balak namin magtayo ng Flower Farm. Ipapangalan ko G and C Flower Farm. Siya lang kasi pinagkakatiwalaan ko. Binilisan ko na pag-drive. Nakarating ako agad na bumaba at napatingin sa paligid. Napangiti ako, alam ko magugustuhan niya 'to. Mahilig siya sa mga flowers. Napatingin ako sa katabi nabili ko.
"Tangina, nakatulala ka pa riyan?" Napalingon ako sa nagulat. Ang bilis naman gagong 'to. Napakunot noo ako napaharap sa kan'ya.
"Ang bilis mo," sabi ko sa kan'ya.
"Tangina, tumawag ka nandito na ako. Mukha may nakabili na sa katabi mo."
"Oo nga eh! Napansin ko."
"Sana magustuhan 'to ni Chien para naman makabawi ako sa kan'ya." Napatingin ako seryoso kay Jake. Napa-buntong hininga na lang ako. Sinisi niya sarili niya ng malaman ang mangyari kay Chien.
"Nagkita kami ngayon," sabi ko sa kan'ya. Napalingon siya sa'kin.
"Nagkita kayo ulit?"
"Oo! Ang sakit hindi ka niya maalala. Kahit si Manang, hindi niya matandaan."
"Ah! Si Manang, nagkita sila! Paano? Ano sabi ni Manang?"
"Wala! Nagulat din siya. Sinabi ko kay Manang. Ang laki ng kasalanan ko Jake, ang laki kasalanan nagawa ko sa kan'ya. Tangina hindi ko mapapatawad sarili ko. Hindi ko mapapatawad pag may nangyari masama sa kan'ya."
"Hindi lang ikaw, kasama ako. Kasama ako sa lahat ng nang paghihirap ni Chien. Sorry ah! Dahil sa'kin nagkahiwalay kayo."
"Wala kang kasalanan, hindi ko kayo pinakinggan, inuna ko galit, sana mapatawad na niya ako. Gago ka kasi bakit hindi mo sinabi sa'kin ang katotohanan."
"Bakit ba? Si Chien ba pinakinggan mo? Anong saysay ko magpaliwanag sa'yo. Tiniis mo siya, tiniis mo siyang hindi kausapin. Tiniis mo siya mag-isa. Tangina kasi para tayong mga sirang plaka paulit-ulit na lang sa nakaraan." Nagtatawanan na lang kami ni Jake. Ganito kaming dalawa. Hindi uso sa amin ang madrama.
"Alam mo, maganda 'to nabili mo. Kailan natin 'to sisimulan?"
"Bukas na bukas," sabi ko sa kan'ya.
"Tangina bukas talaga, gago ka."
"'Wag ka na nga kumontra. Sige na simulan muna," sabi ko sa kan'ya.
"Oo na! Tangina naman akala ko makakapag-pahinga ako. Aalis na ako, hindi ka ba sasama?"
"Mamaya na ako uuwi? Maiistress lang ako."
"Bakit? Balita ko, pilit ka pa rin hinahanapan ng mapapangasawa mo. Si kim bagay kayo?" Masama ko siya tinitigan.
"Gago! 'Wag ako, ang laki mo torpe kasi type mo naman si Kim."
"Noong 'yon, pero ngayon nagbago na, nakita ko na kasi taong nakatadhana sa akin." Nakangiti pa ang loko.
"Hindi mo ba tatanungin kung sino 'yong girl?"
"Bakit! Sino ba?" Ang lakas pagkatawa ng loko.
"Gago ka!" Sabay batok ko sa kan'ya.
"Bakit ba? Wala pa naman ako sinasabi sa'yo ah! Isa pa wala naman kayo ni Chien." Napatingin ako masama sa kan'ya.
"Gago ka, masasapak kitang gago ka."
"Bakit ba! Unfair mo naman. Wala naman kayo ah!"
"Sinong may sabi gago ka."
"Bakit nagkabalikan na kayo?" Sabay tawa pa niya.
"Oo! Bukas na bukas magpapakasal na kami."
"Tangina lakas ng trip mo gago ka, aalis na ako. Mukha iba na trip mo."
"Umalis ka na nga."
"Aalis talaga ako, 'wag ka tatawag ah! Istorbo ka. Wala pa akong tulog." Tangina kasi mga kaibigan mo. Lakas uminom.
"Ang dami mo sinabi." Sabay talikud ko sa kan'ya. Naramdaman ko na lang umalis na siya. Ako naman, napatingin lang sa paligid. Naiimagine ko plano ko sa Flower Farm. Magpapatayo ako sa may gilid ng malaking bahay namin ni Chien. Tapos may maliit na swimming pool para sa mga anak namin. Ito kasi plano naming dalawa. Tapos sa lahat ng bakuran pupunuin namin ng mga iba't-ibang bulaklak. Si Chien magmamanges ng G & C Flower Farm. May maliit na restaurant si Jake naman, mamahala. Siya kasi mahilig magluto samin. Simula pa lang ito na hilig niya. Talaga pinagpalit niya, tatayo siya ng sarili niyang maliit na restaurant sa G and C Flower Farm, ang loko tandem daw kami. Napahiling na lang ako. Napalapit ako sa may malaking puno. Nagpahinga ako Hanggang sa nakatulog ako.