SUNOD-SUNOD na tumulo ang mga luha sa mata ko habang nakatitig ako sa kay Hideo. Ang pangangatog ng mga tuhod ko ay mas lalo pang tumindi. Halos mawalan pa ako ng balanse at mabuwal ako sa kinatatayuan ko kung hindi niya lang ako maagap na nahawakan sa baywang ko at napahawak din ako sa palapulsuhan niya. Oh, God! Is this real? Totoo ba talagang nasa harapan ko ngayon si Hideo at inaalok niya ako ng kasal? He’s asking me to marry him? Bumuka ang bibig ko at gusto kong magsalita, pero wala namang kataga ang namutawi sa bibig ko. Sa halip ay naramdaman ko lang ang pangangatal ng mga labi ko kaya hindi ko na napigilan ang mapatutop sa bibig ko. I saw him smiled at me again. “Baby, please answer me. Will you marry me again?” tanong niya ulit. Mas lalo akong napaluha pagkuwa’y dahan-dahan

