BIGLANG nagsalubong ang mga kilay ni Hideo nang pagkapasok niya sa kaniyang opisina ay nakita niyang may lalaking nakaupo sa kaniyang swivel chair habang nakatalikod ito sa direksyon ng pinto. Katatapos lang ng kaniyang meeting sa conference room kasama ang board member at investors ng kumpanya niya, kaya kababalik lamang niya roon. Kanina pa sana natapos ang meeting nila kung hindi lamang siya na-late ng dating at kung hindi natagalan ang importanteng mga napag-usapan nila roon tungkol sa kumpanya. Naglakad siya papasok ng tuluyan nang makilala niya ang lalaking naroon. “What are you doing here?” seryosong tanong niya. Gumalaw naman ang lalaki. Pinihit nito ang swivel chair paharap sa kaniya. Malapad na ngiti ang nakapaskil sa mga labi nito. “How are you, brother?” Biglang umigtin

