Oo saka bulaklak kaya nga naaliw ako kakatingin Jacob.”
“That’s good Liza.”
“Oo nga Ja-,” hindi ko natuloy ang sasabihin ko sana dahil biglang tumunog ang cellphone nito kaya agad niya itong kinuha sa bulsa ng pantalon niya.
“I just take this call,” sabi niya sa akin bago lumakad palayo.
Tumango lang ako sa kanya lahit tumalikod niya sa akin hudyat na naiintindihan ko ang sinasabi niya. Naliligo pa rin ang mga kaibigan ni Jacob siya lang ata ang unang nagbihis dahil nakita ko naman siyang naliligo kanina kasama sila si Red ay hindi pa nagbihis may plano pa yatang maligo ulit ito.
Umupo na muna ako malapit saa may pool para makita ko sila at matanaw ang pool. Kinawayan nila ako kaya kumaway rin ako pabalik sa kanila. Akala ko magtatagal si Senyorito sa pakikipag usap sa tumawag ngunit nagkamali ako dahil lumipas ang limang minuto ay nakabalik na ito.
“Liza, Im sorry we need to go home now may importante kaming lalakarin ni mommy,” agad na sabi nito sa akin.
“Ayos lang po wala pong problema, maghahanda na po ako para maka alis tayo.”
“Alright, magpapa alam na muna ako sa kanila.”
“Sige ho.”
Mabilis na nagtungo si Senyorito sa kanyang mag kaibigan para magpa alam sa kanila. Hindi ko na narinig ang sinabi niya basta’t pagkatapos na magsalita si Senyorito ay tumatango tango ang iba at nagtawanan na pagkatapos. Hindi na rin nag tagal si Senyorito doon at pabalik na siya sa aking kinaroroonan. Kaya isinabit ko na ang dalang bag sa aking mga balikat. Sumunod pa talaga si Red kay Senyorito.
“Liza nice meeting you, I see you around,” sabi nito sa akin.
“Sige po,” sagot ko naman sa kanta.
“Ihatid ko na kayo sa sasakyan mo pare,” paalam nito kay Senyorito.
“Huwag na pare ayos lang kami samahan mo na sila doon magtetext ako s ainyo pag nakarating na kami.
Hindi na naki pagtalo pa si Red kay Sneyorito dahil alam niyang nagmamadali ito kaya nagpaalam na nga kami ng lubusan sa kanya. Nagtungo na kami sa kanyang sasakyan at agad niya itong binuksan. Pumasok na rin ako agad dahil alam kong nagmamadali kami. Baka nga napaka importante ang lalakarin nila Senyorito. Hindi na kami nag usap pa agad na pinaandar nito ang sasakyan at lumabas na kami ng resort. Kinakabahan ako dahil ang bilis ng naging takbo ni Senyorito. Alam kong nagmamadali siya pero hindi ako sanay na sumakay kung ganito ang takbo. Gusto ko sanang pagsabihan si Senyorito ngunit nakatingin lang siya sa daan kaya inilihim ko na lang ang aking takot at kaba na nararamdaman.
Nagdasal na lang sana ako na makarating kami tumingin na lang ako sa tanawin sa labas para maibsan saglit ang takot. Siguro sanay na sanay na si Senyorito sa ganito dahil nakikita kong parang wala lamang ito sa kanya. Ipinikit ko na muna ang aking mga mata baka sakaling maka idlip ako saglìt.
“Liza,” tawag sa akin ni Senyorito.
Akala kp nakarating na kami dahil tinawag niya ako subalit pag tingin ko sa labas ay hindi pa napabaling tuloy ako sa kanya saka medyo hindi na rin mabilis ang pagtakbo niya sa sasakyan kaya hindi na ako kinakabahan. Nagtaka ako dahil hindi ito yung daan patungo sa mansyon nila kaya mas lalo tuloy akong nagtataka sa kanya.
“Yes Jacob asan pala tayo hindi yata to daan para sa Mansyon niyo,” sabi ko sa kanya.
“Yes your right Liza mommu told me that isasama na lang kita huwag na akong umuwi pa didiritso na lang tayo sa sinasabi ni mommy na location,” paliwanag naman niya.
“Kaya pala sige Jacob.”
“Your okay?” tanong pa nito.
Ang sarap pag sabihan nito na hindi sana Senyorito dahil ang bilis mong magmaneho ng sasakyan parang lalabas na yung kaluluwa ko sa sobrang kaba at takot. Para kasing sumali ito sa karera kung nagmamadali pala ito ay puwede namang bilisan nito ang takbo yung sakto lang. Ayaw ko na siyang pag sabihan kasi ayaw kong ano ang iisipin niya.
“Opo Jacob ayos lang ako,” sagot ko sa kanya.
“Im sorry I did not tell you ahead nakatulog ka kasi ayaw kitang istorbohin.”
“Okay lang Jacob.”
“Malapit naman tayo sa sinasabi ni mommy.”
“Sige ho.”
Nagtatalo ang aking isip talaga bakit ba kasi ako pa yung naisipang isama niya. Nakakahiya naman kay Senyora dahil nandito ako kasama ni Jacob baka family matter ito. Siguro sasabihin ko na lang kay Jacob na sa labas na lang muna ako maghihintay sa kanila. Wala siguro siyang choice kundi isama ako dahil hindi na siya uuwi. Ayos lang talaga sa akin kung sa labas nila ako paghihintayin walang kaso sa akin.
Mabilis na nagpark ng sasakyan si Jacob sa parking area ata ito ng isang sikat na mall dito. Lumabas na agad si Senyoriti habang nag iisip pa ako pero kalaunan ay lumabas na rin ako. Iniwan ko na ang bag sa loob ng sasakyan. Nakakahiya naman yung soot ko hindi nababagay kasama si Senyorito.
“Jacob ahmmm ayos lang na hindi ako sasama sa inyo diyan lang ako kahit saan maghintay hanggang sa matapos kayo ng mommy mo,” wika ko kay Senyorito.
Bumaling siya sa akin na nakakunot ang noo.
“You are going with us Liza si mommy rin ang nagsabi hindi kita isinabay rito o pinasama para iwan ka lang sa kahit saan,” seryosong sabi nito.
“P-erooo Sentorito hindi po nababagay ang soot ko rito,” paliwanag ko pa sa kanya.
Papasakay na kami ng elevator pataas siguro sa kinaroroonan ng mommy niya.
“Ano namang masama sa damit mo Liza?”
“Baka po hindi nababagay sa papasukin niyo.”
Tinitigan niya ako ng seryoso parang may iniisip bago ako sinagot.
“Get in,” wika nito.
Pumasok nga ako ng elevator kasama siya wala na mang ibang tao kundi kami lang.
“Huwag mo ng isipin masyado yan I told you isasama kita sa loob,” final nitong sabi.
Imbis na sassgot pa sana ako ay minabuti ko ng manahimik at sundin na lamang ang kagustuhan nito. Sino ba naman ako para humindi sa gusto nila baka ano pang isipin ni Senyorito at pa espesyal pa ako dahil sa mga dahilan ko ako na nga tong isasama ako pa talaga ang hi hindi. Ehh kasi naman baka ako lang yung pagtitinginan ng mga tao roon dahil naka ganito lamang ako. Hanggang sa hindi ko namamalayan na nakalabas na pala si Senyorito.
“Liza,” tawag nito sa akin.
Kaya natauhan ako at dali daling lumabas at sumunod sa kanya.
“Ano ba yan Liza tumino ka diyan nakakahiya ka naman,” sabi ng aking isip.
Nakasunod lamang ako ni Senyorito hindi ako tumabi sa kanya at nakayuko lamang ako habang naglalakad ng bigla akong nabunggo sa malapad yata
“Ohh shiittt ang tanga ko,” sabi ko na naman sa sarili.
Pagtaas ko ng tingin ay likod pala ni Senyirito yung nabunggo ko huminto yata siya kaya nabunggo ako sa may likod niya hindi naman kasi ako tumingin sa harap nakakainis naman ako napakatanga ko minsan talaga.