Chapter 15:
Kumain na nga kaming lahat nahihiya pa ako dahil lagi akong binibigyan ng ulam ni Senyorito napansin siguro nito na maliit lamang ang kinuha ki dahil nahihiya pa ako sa mga kaibigan niya. Napapatingin tuloy si Red sa kanya sa tuwing nilalagyan ang aking pinggan ni Senyorito. Pag titngin naman ako kay Red ay ngumingiti lamang ito sa akin kaya sinusuklian ko lang din siya ng ngiti. Ang dali lang nila natapos kumain dahil gusto nilang bumalik sa pool para maligo ulit.
Naiwan tuloy kami ni Red at Senyorito at saka hindi pa ako tapos kumain ako na lamang ang kumakain.
“Gusto mo pa nito Liz?” tanong sa akin ni Red.
“Kumakain ka ba nito?” Dagdag pa nitong sabi.
“Oo kumakain ako niyan Red” sagot ko na lang.
Hindi rin naman kami tiningnan ni Senyorito dahil busy ito sa kanyang cellphone kaya lumapit sa akin si Red at inilagay sa aking pinggan ang kinuha niya para sa akin.
“Masarap to Liz it’s taste like tapoica,” ani nito.
“Sige titikman ko Red, salamat,” sabi ko.
Akala ko aalis siya at bumalik sa puwesto ngunit nanatili siya sa aking tabi. Nahiya tuloy akong sumubo ng kanin dahil nakatingin siya sa akin ngunit hindi ko na lang siya pinag sabihan baka nagkakamali lang ako mahirap na.
“Sorry for starring at you Liz.”
Napatingin tuloy ako sa kanya dahil nakatoon ang aking tingin sa aking pinggan. Na realize kaya nito na hindi na ako mapakali sa kakatingin niya sa akin.
“Ayos lang po,” sagot ko.
“Ang ganda mo kasi.”
Ngumiti ako bago siya sinagot dahil nagulat ako sa kanyang sinabi hindi ko iyon enexpect na sabihin niya sa akin.
“Nako Red binibiro mo yata ako hindi totoo yan,” ngumingiti kong sabi sa kanya.
Bago pa siya makasagot sa akin ay bigla na lamang nag salita si Senyorito at inaya si Red na maligo na sila. Pero ang talim ng tingin na naman nito kay Red imbis na may sasabihin pa sana si Red ay agad na itong nagpa alam sa akin habang si Senyorito ay tinalikuran lamang ako at hindi man lang nag paalam.
Di ko tuloy maiwasang ikunot ang aking noo dahil parang kasalan ko pa na kina usap ako ni Red. Masasabi ko namang maganda naman ako pero hindi katulad ng mga babaeng tipo nila kaya hindi ako naniniwala sa sinabi ni Red sa akin.
Tinapos ko na lamang ang binigay ni Red saka iniligpit pagkatapos ang lamesa. Makikita ko lang naman sila rito sa akinh kinaroroonan. Nakikita kong unti unti silang papalapit sa mga kaibigan nito at saka nag biruan na at nag usap.
Naisipan kong mamasyal na muna sa paligid gusti ko sanang mamaalam kaso ayaw ko silang maistorbo nasabihan ko naman si James na papasyal ako at paki sabihan si Jacob kaya umalis na ako roon. Tinitingnan ko ang paligid marami rin palang turista ang pumupunta rito. May nakita akong mag jowang foreigner na sobrang sweet kaya napangiti na lamang ako habang minamasdan ang dalawa. Napansin yata nila ako kaya napalingun silang dalawa sa akin ngumiti ako sa kanila at gumanti naman ang mga ito sa akin. Nahiya tuloy ako kaya mabilis anh aking lakad para lumipat sa ibang tanawin at kung mina malas ka rin naman ay dito rin pala ang tungo nila.
Nag uusap silang dalawa at nauna na sa akin umupo sila sa may beachers na malapit sa halaman. Habang akoy tumitingin sa mga bulaklak at hindi na sila tiningnan. Lumipas ang ilang minuto ay naaliw ako kakatingin sa mga halaman kaya doon nalipat ang aking pansin. Hindi ko rin alam kong bakit lumingon pa talaga ako sa kanila.
Sakto naman kasing pag lingon ko ay ang paghahalikan nilang dalawa. Hindi man lang ako nagbitaw ng tingin sa kanila. Pinanood ko pa talaga hindi ko alam kong bakit ako ganiti sa tuwing may masasaksihan ay mas pipiliin kung makasaksi kaysa umalis.
Kung makahalik naman ang lalaki ay parang walang bukas at ang babae naman ay gumaganti sa mga halik nunh foreigner na lalaki. Huwag niyong sabihin na wala kayong planong tigilan iyan kung ganyan naman pala mas mabuti pang bumalik kayo sa inyonh suite para doon kayo magsex na lang kasi doon rin naman yan patungo. Nang bumitiw ang lalaki ay agad itong tumingin sa akin kaya mabilis rin akong nakabaling sa mga halaman.
Napag isipan kong bumalik na sa cottage at hindi na talaga liningon ang mag jowa.
“Baka gusto mong mahalikan ang lalaki rin,” hindi napigilang sabi ng aking isip.
Hindi naman ako ganun ka landi saka ang bait ko kaya bawal ako sa mga ganyan.
“Ohh talaga bah tingnan lang natin,” hirit pa ng aking isip.
Nagdadalawang isip pa ako kung babalik na ba talaga ako o mamasyal na muna sa ibang tanawin rito ibang banda ng beach resort na to. Ayaw ko pa kasing bumalik ayaw kong ako lang yung walang maiintindihan sa kanilang pinag uusapan. Mas mabuti ng mag isa lang ako dahil hindi ako kakabahan saka malinaw yung isip ko.
Nag libot libot na lang muna ako hanngan sa napadpad ako sa tanggapan ng Resort at pumasok ako roon para tumingin rin sa loob nila. Kung maganda ang labasan mas lalong maganda ang loob manghang mangha ako sa kakaibang disenyo nito napaka unique saka estitik.
“Hoooo Na-nndito ka lang pala Liz,” biglang may nag salita.
Napabaling tuloy ako sa aking likof at nakita si Red na hinihingal sa aking harapan.
“Ohh Red bakit hinihingal ka tumakbo kaba?” tanong ko sa kanya.
“Ahmmm huh hooi hindi naman Liz.”
“Oh ba’t nagka ganyan ka?”
Naghintay ako sa isasagot niya dahil nakita kong hinihingal pa siya. Ngumiti lamang siya sa akin saka umayos na ng tayo.
“Pinahanap ka sa akin kasi ni Jacob kaya hinihingal ako kasi tumakbo alo tinawag kitaa kanina pero malayo yun kaya hindi mo siguro narinig,” paliwanag nito sa akin.
“Nako pasensya na Red hindi ko talaga na rinig.”
“Ayos lang,” ngiting tugon nito.
“Tara baka pagalitan ako ni Jacob pag natagalan tayo,” ngiti pa rin nitong sabi.
“Ohh baka may gusto kang kainin rito?” alok pa nito.
“Nako huwag na Red bumalik na lang tayo saka busog pa ako sa kinain ko kanina.”
“Ay ganun ba sige ikaw ang bahala Liz.”
“Sige balik na tayo dun.”
Nag uusap pa rin kami habang naglalakad pabalik nakasalubong pa nga nmin ang mag jowang foreigner kanina. Ngumiti sila sa akin kaya sinuklian ko naman kaya nagtaka si Red at nagtanong sa akin kung kilala ko ba ang mga yun. Nagpaliwanag naman ako sa kanya na nagkasalubong lang din kami kanina.
Hanggang sa nakabalik na kami ay nag uusap pa rin kami napatawa ako dahil sa mga biro nito nahinto lamang iyon ng nasa mismong cottage na kami.
“Saan ka pala namasyal?” Seryosong tanong sa akin ni Senorito.
Kaya lumayo sa amin si Red at nagtungo sa ibang kaibigan para mag ka usap kami ni Senyorito.
“Sa may banda lang doon,” sabi ko sa kanya.
“Maraming halaman doon”