Nagbihis na nga muna ako bago nagpa alam kay Aling Maris. Naglakad na ako palabas ng mansyon kahit hapon na medyo dumidilim na rin pero ayos lang naman sanay na rin naman ako kaya walang problema. Nag antay ako ng masasakyang jeep mmabuti na lang at may nakita ako agad kaya pinara ko iyon. Mabuti na lang at hindi punuon malapit lang naman ang bayan mga 15 minutes to 20 minutes lang. Pumara na ako ng makarating na sa bayan at bumaba na. Matami na ring taong namili kaya agad ako nagpunta sa palengke para maghanap ng isda. Yung iba kakauwi lang ata galing trabaho dahil naka uniporme pa yung iba habang namimili. Maraming sumisigaw para ebent nila yung mga paninda nila. “Maam bili na po kayo heto po sariwa pa,” sabi nung nagtitinda. Umiling ako sa kanya dahil hindi naman ako bibili ng gulay

