Makikita ko rin na masaya sila Inay at Itay sa naging balita ko dahil pangarap nila iyon sa akin na makapagtapos ng pag aaral akala nga nila ay hindi na ako makapag aral ng kolehiyo dahil alam nila sa sarili na hindi nila kayang bayaran ang magiging tuition kung sakaling mag aaral ako. Naging maganda naman ang takbo ng unang gabi ko sa bahay at pag katapos naming mag usap nila Inay at Itay ay napag pasyahan naming matutulog na. Ini lock na ni Itay ang pintuan sa sala at pinatay ang ilaw sa labas lang yung hindi. “Saan ho ako matutulog Inay?” Tanong ko kay Inay. “Sa kwarto na namin Iha kasi masikip na doon sa mga kapatid mo hindi kana kasya doon,” sabi ni Inay. “Sa sala na lang po ako Inay ayos lang po sa akin para naman po hindi ko kayo madistorbo ni Itay,” sabi ko. “Hindi naman Liz

