“Nako Aling Maris maraming salamat ho sa pagdala at sa kanila nag abala pa talaga sila Senyora at Senyorito,” sabi ko. “Alam mo naman sila Iha sige na ilagay mo muna yan sa ref niyo saka papasok ako hah tutulong ako sa pagluluto sa Inay mo may pinadala rin silang ulam.” “Nakakahiya naman po marami na po silang naging tulong Aling Maris.” “Iha wala ng yan sa kanila kaya sige na para matapos na tayo bago pa dumating ang mga bisita.” “Okay po Aling Maris.” “Nasaan ba si Maremg Trina?” “Nasa kusina po Aling Maris.” “Sige Liza.” “Ay teka susunod rin pala si Manong Kanor mo iha papasukin mo na lang iha,” wika ni Aling Maris. “Sige ho Aling Maris.” Tumitig tuloy ako kay Aling Maris kasi nagtatanong yung isip ko kung alam na ba niya o wala talaga siyang ka alam alam sa nangyari kina Man

