Gumabi na at naka uwi na rin sila Aling Maris at Manong Kanor ayaw pa nga ni Inay na bumalik sila Aling Maris dahil medyo lasing na si Manong Kanor pero sabi ni Manong Kanor kaya pa raw niya mag maneho kaya hindi na namin pinilit dahil sabi ni Aling Maris nandiyan naman siya. Si Itay nauna ng humiga roon sa kwarto nila Inay dahil lasing rin. Ang dami rin kasi nilang nainom kanina kaya siguro nalasing si Itay. “Magpahinga na po kayo Inay,” sabi ko. “Mamaya na Liza pagkatapos natin maghapunan.” “Hindi ka pa pala nag hapunan Inay?” nagtataka kong tanong. “Hindi pa Iha yung mga kapatid mo lang ikaw nag hapunan ka na ba?” “Hindi pa rin po sabay na lang tayo Inay ng mailigpit ko ng sabay sabay ang mga pinggan, ako na po ang bahala Inay magpahinga na po kayo pagkatapos ng hapunan.” Sabay ng

