Nakatulog rin naman ako kaagad pagkatapos kong humiga siguro dala na rin saa pagod ko kanina kaya mahimbing ang tulog ko. Nagising rin naman ako ng alas sais ng umaga pero gising na rin si Inay nun. Nagpakulo na muna siya ng tubig para sa pagtimpla ng kape habang ako ay iniligpit ang aking higaan. “Kailan ba balik mo Liza ngayon na ba?” tanong ni Inay. “Opo Inay ngayon po pagkatapos kong kumain.” “Oh! siya sige maligo ka na pagkatapos niyan mamaya kana uminom ng kape pagkatapos.” “Oo Inay.” Ganun nga ang ginawa ko at pagkatapos ay naghanda na sa dadalhin na gamit pabalik. Yung bag lang din ulit ang dadalhin ko. “Tapos ka na ba?, kumain ka na Liza para makasakay ka sa jeep na pang alas siyete,” wika ni Inay. “Opo Inay kakain na po ako tapos na po ako pagkatapos nito papanhik na po

