Nakatayo si Selena sa harapan ni Kiel ng mga sandaling iyon. Naroon siya sa kuwarto ng lalaki dahil ipinatawag siya nito.
"Here's my class schedule," umpisa ni Kiel at iniabot sa kaniya ang isang kapirasong papel.
Inabot niya naman iyon nang hindi tinitingnan o binabasa. Tahimik pa rin siya at hinihintay ang susunod na sasabihin ni Kiel.
"Is that how you dress here?" sunod na tanong ni Kiel na ikinakunot ng noo niya.
"A-ano po u-ulit?" tanong niya upang masigurado kung tama ba ang kaniyang narinig.
"Is that how you dress here?" pag-ulit naman ni Kiel sa eksaktong tanong.
"A-ahmmm..." hindi niya na naman malaman kung paano sasagutin si Kiel. Napatingin pa siya sa sarili kung anong mali sa suot niya. Nakasuot lang naman siya ng kulay gray na may kakapalang pajama at kulay gray din na plain t-shirt.
"You're maid here right? My personal maid?" nakaarko ang kilay na saad ni Kiel.
Napalunok at napatango na lang siya kay Kiel. Tila nahuhulaan niya na ang ibig sabihin ni Kiel.
"Where's your uniform?" tanong muli ni Kiel.
"S-sorry... W-wala kasing ibinigay sa akin kaya akala ko okay lang na nakapambahay lang ako rito," may katotohanan niyang sagot.
"Then you go get one," makapangyarihang utos ni Kiel sa kaniya.
Nahihiya siyang tumalikod upang umalis na roon at gawin ang ipinag-uutos nito.
"Later. I still have more to say," pagpigil ni Kiel sa kaniyang makalabas nang tuluyan.
Muli naman siyang napapihit paharap dito.
"I want my school uniform to be ready every morning. And I want you to iron it every morning, too. Not the night before that day, get it?" nameywang pa si Kiel sa harapan niya habang sinasabi iyon.
Parang gusto naman na niyang mainis sa ipinapakita ni Kiel. Hindi ba dapat ay sa gabi nagpa-plantsa para sa gagamitin kinabukasan? Hindi iyong sa mismong araw pa pa-plantsahin?
"Did you understand everything I said?" untag ni Kiel nang hindi siya sumagot.
"Opo, señorito, naintindihan ko po," hindi na siya nautal-utal sa pagsagot dahil nga sa naramdamang inis dito.
"You will be the one to prepare my breakfast, and dinner since we're both not here during lunch time. And everytime I get hungry, I want you to be quick to prepare food for me," dagdag pa ni Kiel na muntik ng magpataas ng kaniyang kilay kung hindi niya lang napigilan.
"And... That's all. You can go now," at patalon ng umakyat sa kama si Kiel.
Mabilis naman na rin siyang tumalikod at nagmamadaling ng makalabas sa kuwartong iyon. Nasa pintuan na siya nang bigla na namang magsalita si Kiel. Napapikit na lang siya bago muling humarap dito.
"Don't forget your uniform," maiksing saad ni Kiel ng hindi tumitingin sa kaniya.
"Opo, señorito," sagot niya at tuluyan ng umalis doon.
Habang bumaba siya sa hagdanan ay kinakalma niya na ang sarili. Pilit niyang ipinagsisiksikan sa isipan na amo niya si Kiel at wala siyang karapatang mainis o magreklamo.
Sinabi nga niya kay Manang Aida ang tungkol sa pagsusuot ng uniform at sinabi niya ring utos iyon ni Kiel. Nagulat si Manang Aida sa kuwento niya ngunit wala na rin naman itong nagawa kundi ang ikuha siya ng uniporme.
Nakarating naman kay Señor Clenton ang tungkol doon dahil sa sinabi nga iyon ni Manang Aida. Kaya naman kinagabihan ay pinuntahan ng señor si Kiel.
"Is it really necessary?" tanong ng señor na bumungad kay Kiel na noo'y kasalukuyang naka-headset habang nakasandal sa headboard ng kama nito.
Tinanggal naman ni Kiel ang suot na headset nang makita ang ama.
"I didn't hear you," may pagkasupladong wika ni Kiel sa ama.
"About Selena. Kailangan mo ba talaga siyang pagsuotin ng uniform?" wika ni Señor Clenton.
"What's wrong with that?" may pagka-iritableng umayos ng pagkakaupo si Kiel mula sa pagkakasandal. "I mean, she's maid. My personal maid now, right? Unless you have issue about me giving instructions while I'm here in your house."
"It's not like that, son... But look, hindi namin gustong ituring na katulong talaga si Selena... Isa pa ay baka mas komportable siya na hindi naka-uniporme," mababa ang tonong paliwanag ni Señor Clenton.
"If she's my personal maid, then I think I have the right to decide about that," ayaw makinig ni Kiel sa gustong mangyari ng ama. At iyon naman talaga ang plano niya, ang maging sakit ng ulo ng mga ito.
"Kiel..." nagsusumamo ang mga mata ni Señor Clenton.
Nag-iwas ng tingin si Kiel. "I need to sleep now, dad," aniya bago nahiga nang nakatalikod sa ama.
Narinig na lamang ni Kiel ang mahihinang yabag ng señor palayo at ang pagsara ng kaniyang pinto. Napabuntonghininga siya. Hirap na rin naman siya sa mga ginagawa ngunit iyon na lang ang pag-asa niya para hindi na gustuhin ng mga ito na manatili pa siya roon. Kailangan niyang gumawa ng mga bagay na hindi okay sa mga ito. Bukod sa nakokonsensiya siya sa nakitang reaksiyon ng ama kanina, halos isumpa niya rin ang sarili kaninang kausap niya si Selena. Alam niyang hindi nga naman makatarungan ang mga pinagsasabi niya sa babae at malamang ay inis na inis ito sa kaniya...
**************
Hindi mapakali si Selena kinabukasan dahil sa hindi pa gising si Kiel. Kailangan niyang ma-plantsa ang damit nito katulad nga ng bilin nito sa kaniya kagabi. Ang problema, hindi niya naman nga ito pwedeng plantsahin kagabi dahil nga ang utos sa kaniya ay sa mismong umaga ito gawin.
"Katukin mo na lang siguro siya, Selena. Baka ma-late ka pa sa pagpasok niyan, eh," ang napapailing na sambit ni Manang Aida.
Nakaligo at nakabihis naman na siya. Kaso hindi pa siya puwedeng umalis dahil kailangan niya pang ipaghanda ng pagkain at ipagplantsa ng uniporme si Kiel.
"Selena? Ayos ka na ba? Tayo na," biglang bungad ni Señora Shiela sa pintuan.
Mas lalo naman siyang nataranta. Hindi niya gustong malaman ng señora ang problema niya dahil baka magalit ang mga ito kay Kiel. At hangga't maaari ay ayaw niyang makitang magkasagutan ang mag-ina o mag-ama nang dahil sa kaniya!
"A-ah, Señora Shiela, hindi po muna ako makakasabay sa inyo ngayon," ang wika niya.
"Ganoon ba? Bakit naman, iha? Kung nahihiya ka lang ay—"
"Naku, hindi po!" mabilis niyang putol sa señora, "may kailangan pa po kasi akong gawin..." napalunok siya at nanalangin na sana'y hindi na magtanong pa ang señora.
"Señora Shiela, ang totoo niyan ay hinihintay ni Selena na magising ang Señorito Kiel," pagsingit ni Manang Aida na ikinalaki ng mga mata niya.
Makikita namang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Señora Shiela.
"Selena..." napabuntonghininga si Señora Shiela. "I think his dad needs to know about this," anito at nagmamadali nitong tinawag si Señor Clenton.
"Manang Aida, hindi mo na dapat iyon sinabi!" medyo malakas ang boses at natatarantang sabi niya kay Manang Aida. Hindi siya galit dito, hindi niya lang talaga gusto ang ideyang baka mag-away pa sina Kiel at ang mga magulang nito.
"Kung hindi ko sasabihin, baka araw-araw kang natataranta!" pakli naman ni Manang Aida.
Sa isang linggo niya ng naroon ay tunay na nakasundo niya si Manang Aida. Pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng pangalawang ina.
"Ezekiel!"
Napapitlag si Selena nang marinig ang malakas na boses ni Señor Clenton. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya ng mga sandaling iyon.
Si Señor Clenton naman ay kinakatok na pala si Kiel sa kuwarto nito. Nang hindi pa rin nagbubukas ang pinto ay isinigaw na ng señor ang pangalan ng anak. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at bumungad ang tila inaantok pang si Kiel.
"Selena is a working student..." pilit na pinapakalma ni Señor Clenton ang boses. "May mga oras din siyang importante kaya ibigay mo iyon sa kaniya."
"What's the matter? What did I do?" maang ni Kiel sa ama.
"You know what you did, Kiel. Hindi dapat kita kukunsintihin sa bagay na ito. Pero dahil anak kita, magiging masamang tao muna ako sa iba para lang mapasaya ka. I hate that, Kiel... Sana hindi na ganito sa mga susunod na araw... Kung galit ka sa amin, huwag mong idamay si Selena," mahabang pahayag ni Señor Clenton bago nito iniwan ang natahimik na si Kiel.
Dahan-dahang lumabas si Kiel sa kaniyang kuwarto at sumilip sa ibaba. Nakita niyang kinausap ng ama si Selena at tumatango naman ang huli. Pagkatapos niyon ay naglakad na si Selena paakyat sa hagdanan at sigurado siyang papunta ito sa kaniya. Nang tapunan niyang muli ng tingin ang ama ay nahuli niya itong tila kinukuskos ang kanang mata. Matinding kirot ang naramdaman niya sa isiping napaiyak niya yata ang ama...
"I hope you're happy."
Mabilis na napalingon si Kiel sa pinanggalingan ng boses. Ang Ate Kiera niya.
"A-ate..." gusto niyang humingi ng sorry pero parang ayaw niyong lumabas sa bibig niya. Hanggang sa lagpasan na lang siya ng ate niya.
Nagkasalubong naman sina Kiera at Selena sa hagdanan. Mahinang sinambit ni Kiera ang mga katagang "I'm sorry" kay Selena. Bago pa naman makarating Selena sa duluhan ng hagdanan ay wala na roon si Kiel. Kinakabahan siyang dumeretso sa kuwarto ng lalaki.
"S-señorito..." pagtawag pansin niya muna sa may bungad ng kuwarto. Nakita niyang nakatayo lang si Kiel at nakatalikod sa kinatatayuan niya. Nakapameywang ito at nakatingala. Napaiyak din ba ito at pinipigilan lang?
"I'm not going anywhere today. Just go..." mahina ngunit matigas na wika ni Kiel.
Nakakaintindi namang umalis na roon si Selena. Alam niyang baka naging matindi ang pag-uusap ng mag-ama lalo na at halata niyang pigil-pigil ni Señor Clenton ang mapaluha habang kausap siya. Humingi ng paumanhin ang señor sa kaniya at sinabing gawin na lang ang ipinagagawa sa kaniya ni Kiel. Naisip niyang maglakas loob na kausapin si Kiel pagkauwi niya tungkol sa mga gawain niya. Susubukan niyang pakiusapan mismo si Kiel...