Kanina pang nakamasid si Serene kay Selena at sa kaniyang mga magulang. Hinihintay niyang makausap ng solo si Selena. Nang makahanap nga siya ng tiyempo ay mabilis niyang nilapitan si Selena. "Kumusta ang pamamasyal mo kanina, Serene?" tanong ni Selena sa palapit na kakambal. "Ayos lang. May itatanong lang sana ako sa 'yo," ani Serene. "Tungkol saan?" alanganing tanong ni Selena. Napaisip kasi siya kung tungkol ba iyon sa paglangoy nila sa labas ng silang dalawa lang. "Kilala mo ba ang sirenong si Dero?" tanong ni Serene. "Ah, oo. Si Dero," nakahinga naman nang maluwag si Selena. "Siya ang sinasabing isa sa mga sireno na ipinanganak na may kakaibang kapangyarihan. Maugong din dito sa atin na baka siya ang susunod na papalit kay Haring Oler," saad nito kay Serene. "Nakilala ko kasi si

