Napadalas nang napadalas ang paglabas ni Serene sa Sirenia tuwing maliwanag pa. Ang mga magulang at kakambal niya ay hindi siya hinahanap dahil ang madalas niyang paalam ay lalangoy lang siya sa asul na tubig. Hindi nagtatangka si Selena na hanapin si Serene dahil nga nasanay na itong nais ng kapatid ang magsolo. Maging si Dero ay nagtaka nang hindi na siya masyadong pinapansin ni Serene. Sa mga pagkakataong nais nitong tanungin si Serene, ay hindi niya naman ito makita. Sinubukan na rin ni Dero na hanapin si Serene sa paligid ng Odan ngunit wala naman ang huli roon. "Sa asul na tubig na muna ako, Ina, Ama, Selena," paalam ni Serene nang umagang iyon. Nakangiti namang tumango sina Shania at Arden maliban kay Selena. Nagkaroon na kasi ng pagtataka si Selena sa paraan ng pagpapaalam ng kak

