Ang lahat ng mga mata ay nakatutok kay Serene ng mga sandaling iyon. Baha naman sa mukha ni Serene ang takot dahil hindi na nga niya nagawang silipin muna kung may makakakita ba sa kaniya sa pagpasok sa nagsisilbi nilang lagusan. Wala kasi siyang ibang pagpipilian dahil kanina, may nakita siyang tao na sumisid at sa takot na baka makita siya, nagmamadali siyang bumalik doon sa Sirenia. Ipinagtataka niya lang kung anong ginagawa ng mga lahat malapit doon sa lagusan at kasama pa ang hari at reyna. "A-anong nangyari? B-bakit ka n-nandito? Nasundan ka! Nakita ka kung saan ka pumasok!" ang naghihisterikal na wika ng isang inang sirena habang yakap nang mahigpit ang anak nitong ka-edaran lang din nina Selena at Serene. Halos hindi naman makapagsalita si Serene. Sadyang hindi niya maintindihan

