PRESENT TIME Pinahid ni Selena ang luha sa mga mata matapos maikuwento kay Kiel ang lahat ng nangyari sa kaniya. Ang tungkol sa Sirenia at ang dahilan kung bakit nandito siya ngayon sa piling ng mga tao. Halos wala na siyang inilihim o nilagpasan sa pagkukuwento niyang iyon mula sa Sirenia hanggang sa iabot nga siya ng inang si Shania kay Felimon. "Hindi na kayo ulit nagkausap ng kakambal mo?" pagtanong ni Kiel na nakatitig lang sa kisame kagaya ni Selena. Nakahiga na ang ayos nilang dalawa dahil sa haba rin ng kuwento ni Selena. "Iyon na ang huli... Ang araw na dinala si Serene sa Odan... At nang magising ako, nasa bahay na ako nina Itay Felimon at Inay Demetria," sagot ni Selena. "Akala ko, magigising akong sina Ina at Ama na lang ang masisilayan ko at tuluyan akong magsisisi sa ginaw

