Palinga-linga si Selena sa kaliwa't kanan niya habang nakatayo sa labas ng pintuan ng kuwarto ni Kiel. May buhat siyang bedsheet at mga damit ni Kiel na pawang mga nakatiklop na. Sinimulan niya ng katukin ang pinto. Nakaka-apat na katok na rin siya ngunit hindi pa bumubukas ang pintuan. Hanggang sa mapagpasyahan niyang pihitin na lamang ang seradura sa pagbabakasakaling hindi iyon naka-lock. Narinig niya ang pag-click ng seradura nangangahulugan na bukas iyon kung kaya't tuluyan niya na iyong itinulak. Naglakad si Selena papasok sa kuwarto at kaagad na hinagilap ng mga mata niya si Kiel. Hindi niya ito nakita sa maliit na sala ng kuwartong iyon kaya naman pinuntahan niya ang kama ni Kiel. Napangiti na lang siya nang makitang mahimbing pa palang natutulog ang lalaki. Alas diyes na nang uma

