Matamang nakatitig si Kiel kay Selena na noo'y palabas na sa mansiyon. Nakatayo si Kiel sa tabi ng van na gagamitin nila sa pagpunta ng San Martin. Araw iyon ng Sabado at nakapagpaalam na rin sila sa mga kasamahan nila sa mansiyon. "Mag-iingat kayo roon, Kiel. At tandaan mo, hindi ka marunong lumangoy kaya huwag kayong maliligo sa dagat," dinig ni Kiel na bilin ni Señor Clenton. "I'll be fine," tipid naman at mabilis na sagot ni Kiel upang hindi na dugtungan pa ng ama ang sasabihin nito. Palapit na kasi sa kanila si Selena at ayaw niyang marinig ng babae ang tungkol sa hindi niya kaalaman sa paglangoy. "Selena, ikaw na ang bahala rito kay Kiel, ha? Huwag kang mag-alala dahil hindi naman talaga iyan maselan sa pagkain kaya kahit anong ipaghanda ninyo sa inyong bahay ay tiyak na ayos lang

