Ilang araw na rin ang nakakalipas mula nang makabalik sina Kiel at Selena sa Manila. Labis ang pagtataka ni Selena sa biglaang pagiging tahimik ni Kiel. Napansin niya ring tila umiiwas ito sa kaniya. Sa nakalipas na mga araw ding iyon ay hindi niya na nakakasabay ang lalaki sa pag-uwi dahil lagi na itong sumasama sa mga lakad nina Rex tuwing uwian. Hindi niya tuloy malaman kung nagalit ba ito sa kaniya noong malunod ito sa San Martin samantalang ito naman ang nagsabi sa kaniya na gusto nitong lumangoy. "Naitabi ko na po lahat ng mga kukunin ninyo, Manang Aida. Kayo na po ang bahala kung ipapamigay po ninyo o kung sa pamilya na lang po ninyo." Napatigil sa paghakbang si Selena nang marinig ang boses. Galing siya sa kaniyang kuwarto at pababa sana siya upang tumulong sa kusina nang hapong

