Suot ni Selena ang isang backpack habang bumababa sa hagdanan. Nagpunta siya sa kuwarto ni Manang Aida upang magpaalam. "Manang Aida, alis na po muna ako. Sa Miyerkules na po ako makakabalik," paalam ni Selena. "Sige, Selena, mag-iingat ka roon," sagot naman ni Manang Aida at lumapit ito kay Selena. "Ako na ang humihingi ng dispensa sa nagawa sa 'yo ni Dina," mahinang ani pa nito. "Manang Aida, wala po kayong dahat ihingi ng paumanhin dahil wala naman po kayong kasalanan. Isa pa, kasalanan ko rin po ba pumayag akong matulog siya roon kahit na sinabi niyang huwag kong sabihin kahit kanino," Ginagap pa ni Selena ang palad ni Manang Aida nang sabihin niya iyon. "Siya sige na, alis na at baka gabihin pa kayo," pagtataboy na ni Manang Aida. Katulad ng dati ay ihahatid pa rin ng family driv

