Ika-labing Dalawang Kabanata - Panganib

1938 Words
Nakasandal ang ulo ni Selena sa bintana ng bus at nakatingin lang siya sa labas habang umaandar ang sasakyan. Excited na siyang makita ang mga magulang. Padalawang linggo na ito at noong nakaraang linggo ay hindi pa nga siya umuwi ng San Martin. Iyon ay dahil sa nahihiya siyang simulan kaagad ang bakasyon tuwing weekend samantalang kauumpisa niya pa lamang. Nagsabi rin ang mag-asawang Lemman sa kaniya kanina na ihahatid na siya ng mga ito. Tinanggihan niya lang iyon dahil kaya niya naman. Napakalapit lang naman ng San Martin sa Manila. Dalawang oras at mahigit ang biyahe at okay lang sa kaniya iyon. "San Martin! Mga bababa riyan ng San Martin mag-ready na ho!" dinig niyang sigaw ng kundoktor. Mabilis niyang isinukbit sa balikat ang puting bag na dala at tumayo na siya. First time niya lang sumakay ng bus at bumiyahe at kung sa iba sigurong normal na tao na first timer, hindi kaagad tatayo at maglalakad sa gitna ng bus papunta sa harapan. Pero dahil hindi nga siya normal, na-sense niya na ganoon ang ginagawa ng mga taong sanay na o kabisado na ang pagbiyahe-biyahe. Ni hindi nga rin siya nakakapit o nakahawak sa mga upuan habang naglalakad sa gitna at kalasukuyang umaandar pa ang bus. Hindi pa man tuluyang humihinto ang bus ay mabilis na siyang bumaba. Hindi niya na napansin ang pagtitinginan ng mga kasabayan niya dapat sa pagbaba. Hindi niya naman na kasi kailangang sa waiting shed mismo bumaba dahil mauuna ng madaanan ang ang maliit na kanto papunta sa kanila. Nasa San Martin na siya at kabisado niya na ang gagawin. Ang kaso ay walang tricycle na naghihintay sa kanto at hindi siya sigurado kung may dadating o kung may papasada pa ba sa ganoong oras. Ayaw naman niyang bumalil at lakarin papuntang waiting shed kung saan tingin niya ay mayga tricycle na naghihintay. May kalayuan din iyon kahit papano kaya naisipan niyang lakarin na lang pauwi sa kanila. Kung pagkukumparahin niya kasi, mas malapit ng lakarin hanggang bahay nila kesa ang puntahan pa niya ang waiting shed. Kung hindi lang sana gabi, wala rin naman siyang balak mag tricycle. Pasado alas otso na noon at hindi naman ganoon kadilim ang paligid. May nadaanan pa nga siyang tindahan ngunit nagsisimula na rin iyong magsara. Maliwanag naman ang daan kahit papano. Ngunit napahinto siya sa paglalakad nang tila may marinig siyang kaluskos sa bandang gilid niya. Wala na kasing masyadong bahay doon at ang tanging makikita ay mga puno. Nagpatuloy siyang muli sa paglalakad kahit na may kakaiba siyang nararamdaman. At hindi nga siya nagkamali dahil mayroong biglang humablot sa bag na nakasukbit sa kaniyang balikat. Nakipag-agawan siya sa lalaking iyon at hindi siya sumigaw man lang. Hindi siya puwedeng sumigaw dahil alam niya na ang mangyayari kapag nagkataon. Dahil hindi naman ganoon kaliwanag, hindi niya maaninag ang mukha ng taong kaagawan niya sa bag. "Bitiwan mo na lang ang bag ko, please..." sinubukan niyang daanin sa pakiusap ang taong iyon. Hindi dahil sa natatakot siya sa maaaring mangyari sa kaniya, kundi natatakot siya sa maaaring mangyari sa taong iyon. "Bitiwan mo na lang ito, miss, para hindi ka na rin masaktan!" matigas na sagot ng taong iyon. Base sa boses ay nahulaan niyang lalaki iyon. Hindi siya makapaniwalang dito pa siya sa San Martin makakaranas ng ganoon samantalang itinatak ng mga magulang niya sa kaniyang isipan na mas mapanganib ang Maynila. Maaari niya naman sanang hayaan na lang ang bag. Ngunit hindi lang naman kasi mga damit niya ang laman niyon. Nandoon din ang cellphone na ibibigay niya sa mga magulang at ang cellphone niya rin mismo. Noong nakaraang araw pa iyon iniabot sa kaniya ng mag-asawang Lemman. At ayaw niyang mawala iyon dahil importante iyon sa kaniya. Hanggang sa naubusan na ng pasensiya ang lalaki sa pakikipag-agawan sa kaniya. Ubod-lakas na itinulak siya ng lalaki kaya naman natumba siya sa daanan. Nabitiwan niya ang bag at nang akmang pupulutin na iyon ng lalaki ay mabilis siyang nakatayo at ubod lakas na itinulak ang lalaki. Maging siya ay nagulat at natakot sa ginawa. Malakas kasi ang pagkakabalandra ng lalaki sa isa sa mga puno. "H-hindi ko sinasadya..." imbes na tumakbo na sana siya ay mas nilukuban siya ng takot na baka kung napaano ang lalaki. Ang isa pa niyang ipinangamba ay ang Sirenia. Alam niyang mahigpit ng ipinagbawal ang paggamit ng kapangyarihan nila sa kahit na anong paraan. Natatandaan niya iyon noong nasa Sirenia pa siya. Kaya nga ba labis ang pinsalang nangyari noong sumigaw siya nang malakas. Laking pasasalamat niya nang gumalaw ang lalaki at unti-unting nakatayo. Nang mapagtanto niyang lalapit itong muli sa kaniya ay mabilis na siyang tumalikod upang tumakbo. Ngunit bago pa siya tuluyang makatakbo ay nahawakan ng lalaki ang kuwintas niya mula sa kaniyang batok. Dahil doon ay para siyang nasakal nang hilahin iyon ng lalaki. Nanakit kaagad ang kaniyang leeg dahil sa pagkakahila at hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano lalaban ng paraang gagawin ng isang normal na tao. Kapag sinubukan niya ay alam niyang may kasamang kakaibang lakas iyon mula sa kaniya. Ngunit hindi niya naipaliwanag ang mga sumunod na nangyari. Bigla na lamang nagliwanag ng parang sa ginto ang kaniyang kuwintas. "A-aaaahhh..." kusang napabitaw ang lalaki sa pagkakahila sa kuwintas ni Selena. Pakiramdam nito ay humawak ito ng baga dahil sa sobrang init niyon. At nang tingnan nito ang sariling palad, kita niyang tila nalapnos kaagad ang balat sa kaniyang mga daliri. Nagulat din si Selena sa nangyari. Ngunit mabilis na siyang tumakbo palayo sa lalaki. "H-halimaw!" sigaw pa ng lalaki. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Selena kahit tanaw na niya ang bahay nila. Umaasa siyang hindi nakita ng lalaki ang mukha niya. "Itay! Inay!" malakas na pagkatok niya sa pintuan nila. Mabilis namang bumukas ang pinto at bumungad ang mukha ng kaniyang inay. "Anak! Mabuti naman at nakauwi ka rin!" ang galak na galak na mukha ni Demetria. Umiiyak at nanginginig na niyakap ni Selena ang kaniyang inay. Takot na takot siya sa nangyari. "A-anong n-nangyari?" kinabahan din si Demetria sa inakto ng anak. Mabilis niyang ipinasok sa loob si Selena at pinaupo bago isinara ang pinto. "S-selena?" siya namang labas ni Felimon habang hawak ang saklay nito. "May nangyari bang hindi maganda sa 'yo sa Maynila? Pinabalik ka ba nina Clenton? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong ng nag-aalalang ama. Sunod-sunod namang umiling si Selena. Kaagad namang naupo ang mag-asawa sa tabi ni Selena. "A-ang kuwintas, itay," lumuluha pa ring saad ni Selena habang nakahawak sa kaniyang kuwintas. "A-anong nangyari sa kuwintas?" tanong muli ni Felimon. "M-may l-lalaking... N-nagtangkang agawin i-itong bag ko riyan s-sa labas..." pagkukwento niya sa mga magulang. "T-tapos... N-nagamitan ko po siya n-ng l-lakas... T-tapos... N-nahatak niya itong k-kuwintas ko..." pinahid niya muna ang luha sa kaniyang mga mata at pilit na kinakalma ang sarili. "Si Udoy iyon, natitiyak ko," ang may galit na sambit ni Demetria. "Pupuntahan ko ang lalaking iyon!" galit ding segunda ni Felimon at akmang tatayo na ito nang pigilan ni Selena. "S-sandali lang po... S-si Kuya U-udoy? Paano po kayong nakakasigurado?" may pagtatakang ani Selena. "Tatlong araw na ang nakakalipas nang umuwi rin dito nang gabi ang anak ng kapitbahay nating sina Minda. Galing ng Maynila ang anak nila at dadalawin lang sana sila. Tinangka iyong hablutan ni Udoy. Ngunit dahil malaking lalaki ang anak ni Minda, nagawa niyang bugbugin si Udoy. Hindi na lang nila idinemanda si Udoy dahil mapapagastos pa raw at magiging istorbo pa ang pagdedemanda. Nakiusap din naman kasi ang mga magulang ni Udoy kina Minda at pinatawad naman ng anak nila si Udoy," mahabang paliwanag ni Demetria. Hindi kaagad makasagot si Selena. Kilala niya rin kasi si Udoy. Kapitbahay nila ito at natatandaan niyang nakakasabay niya pa ito dati sa pagpasok noong elementary pa lamang siya. Mas matanda ito sa kaniya ng tatlong taon. "P-pero bakit po iyon gagawin ni Kuya Udoy?" naguguluhang tanong ni Selena. "Hindi namin alam, anak. Ang usap-usapan ay nagkaroon ng barkada si Udoy na hindi taga San Martin. Mga kaklase niya raw dati. At mukhang nagddrugs," sagot ni Demetria. "Sa ginawa niya kay Selena ay hindi niya ako mapapakiusapan!" galit na tumayo si Felimon at kahit na may saklay ito ay tila handang-handa siyang makipag-away dahil sa nangyari kay Selena. "Itay! Huwag po!" mabilis ding tumayo si Selena upang pigilan si Felimon. "H-hindi po puwedeng malaman ni Kuya Udoy na ako iyo..." Nagtataka ang mga matang tinitigan ni Felimon ang anak. "B-bakit? Anong dahilan?" "Ang kuwintas po, itay... B-basta na lang pong nagliwanag nang hilahin niya ito at para siyang napaso nang sobra. T-tinawag niya po akong halimaw, itay... K-kaya hindi niya puwedeng malaman na ako po iyon..." nanlulumong paliwanag ni Selena. Nanghihina ring napaupo muli si Felimon. Maging si Demetria ay napahawak sa kaniyang dibdib. "A-ang alam ko po ay hindi niya naman nakita ang mukha ko dahil medyo madilim sa parteng iyon..." saad ni Selena. "H-hindi niya puwedeng malaman na nandito ka ngayon, Selena... T-tiyak na maiisip niyang ikaw iyon dahil kayo lamang ng anak ni Minda ang nasa Maynila na maaaring umuwi rito. Kapag nakita ka niya bukas ay tiyak na aalamin niya rin kung may suot ka bang kuwintas..." malungkot na malungkot na sambit ni Felimon. "A-ano pong gagawin natin?" kinakabahan ding tanong ni Selena. "Kailangan mong bumalik sa Maynila ngayon din, Selena..." si Demetria ang sumagot. "P-pero... Gusto ko po kayong makasama ni itay," may pagtutol na sabi ni Selena. "Tama ang inay mo, Selena... Sa susunod na Biyernes ka na lang ulit bumalik," gustuhin man ni Felimon na panatilihin doon si Selena sa gabing iyon ay hindi maaari. "Anak, huwag ka na lang umuwi rito ng Biyernes ng hapon dahil maaari ka talagang abutan ng dilim... Umuwi ka na lang ng madaling araw ng Sabado upang maliwanag pa kapag dumating ka rito," suhestiyon naman ni Demetria. Maluha-luhang nayakap ni Selena si Demetria. Hinagod-hagod naman ng kaniyang inay ang kaniyang likod. Napayuko na lang din naman si Felimon. "Hintayin niyo na lang po ako sa susunod na Sabado, inay," ang paghikbi ni Selena. Sobrang sama sa kaniyang pakiramdam ng nangyaring iyon. Kung sana'y napigilan niya lang ang sarili kanina. Sana hindi na nahawakan pa ang kaniyang kuwintas. Higit sa lahat, sana hinayaan na lang niyang makuha ang bag. Maaari naman pala nila iyong mabawi kung sakali lalo na at alam ng kaniyang mga magulang na si Udoy lang ang maaaring gumawa niyon. Dahil tiyak na wala ng tricycle silang aabutan sa labasan, napilitan na sina Selena na kontakin ang mga Lemman. Naka-save na rin kasi sa cellphone ni Selena ang numero ng mag-asawang Lemman. Si Felimon ang kumausap kay Señor Clenton at ginamit nito ang nangyari kay Selena. Sinabi niyang nakatakas ang gumawa niyon kay Selena nang walang nakukuha. Kaya natakot sila na baka malamang si Selena lang ang galing Maynila nang gabing iyon at baka umano balikan ito. Dahil doon ay walang pag-aatubiling inutusan ni Señor Clenton ang kanilang driver upang sunduin si Selena sa San Martin. Sinabi ni Felimon na sa waiting shed sa San Martin na lang hintayin si Selena. Mag-aalas onse na halos nang tumawag ang driver kay Selena para sabihing nasa waiting shed na ito. Inihatid nga ng mag-asawa ang anak nilang si Selena hanggang sa waiting shed nang walang nakakakita sa kanila dahil alas onse na iyon nang gabi. Mabigat man ang kalooban ni Selena, wala na siyang magagawa. Hindi na rin siya naniniwalang mas mapanganib ang Maynila kesa sa mga probinsiya. Dahil kahit nasaan kang lugar, mayroon at mayroong mga masasama ang balak. Nasa tao pa rin talaga nakasalalay ang katahimikan ng lahat... Wala sa lugar...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD