CHAPTER 1
"HOY! Bisky!"
Napabuga ako ng hangin dahil sa walang tigil na kakasigaw nitong lalaki na ito. Nakakarindi na!
"Bisky Elizabeth!!!" humarang ito sa daanan ko.
"Ano ba!?" singhal ko dito ng makaharap.
Hingal na hingal itong napayuko at nakatukod pa ang dalawang kamay nito sa kanyang tuhod. Humahangos na napaangat ng tingin sa akin.
Ilang kilometro kaya tinakbo nito?
"Ba't mo naman ako iniwan? pagkatapos kitang ilibre iiwanan mo lang ako ng basta basta?" tumuwid ito ng tayo at nakapamewang naman ngayon sa harapan ko.
"Eh sa tapos na akong kumain, eh?" iritado kong sagot.
Ang totoo, ayuko talaga siyang makasama. Nagiging pangit ang araw ko kapag siya ang nakakasabay ko at nakakasalamuha sa araw araw.
Sa dami ba naman kasing makakasabay kong umuwi, ito pang hinayupak na ito?
"Pumayag naman na ako sa gusto mo di'ba? kasabay kang nagmeryenda basta sagot mo ang gastusin, ano paba? tapos na akong kumain kaya uuwi na ako." akmang lalagpasan ko na ito ay pinigilan na naman ako nito sa kamay.
"Sandali lang naman! maaga pa, gala na muna tayo." nag akto pa itong nagmamakaawa.
"Sige na naman oh? kahit ngayon lang? wala naman tayong pasok bukas eh! samahan mo muna ako, please..?" dagdag pa nito at tuluyan na nga itong nabaliw dahil umaakto pang naiiyak habang pinagsiklop ang mga palad para lang magmakaawa sa harapan ko.
"Alam mo, Spinner? may gusto kana naman ipagawa sa akin, eh. Kung ano man iyon, wala akong panahon mag gala gala lalo na't kasama kita, huh! baka nakakalimutan mong hindi pa ako nakakamove on sa pinagawa mo sa akin dati?" galit kong sabi.
Inis na inis talaga ako pag kasama ko s'ya dahil puro nalang kamalasan ang nangyayari sa buhay ko. Halos pagtaguan ko na nga ito para lang maiwasan s'ya.
At mukhang may pagka cctv itong kurimaw na ito dahil hindi ko namamalayan na nasa likuran ko na pala ito nakabuntot at sunod ng sunod.
Eh paano ba naman, minsan na kaming nagkasamang umuwi napagkamalan pa kaming magjowa samantalang may girlfriend naman talaga siyang tunay.
Ginagawa n'ya lang akong praps para lang pagmukhaing inis at pagselosan ako.
Oh diba? ginagawa n'ya lang akong panakip butas para magselos ang jowa n'ya sa akin?
Ewan ko ba sa kaniya kung bakit niya iyon ginagawa.
Anak ng kamatis--paikot ikotin ko kaya tong Spinner na'to kagaya ng pangalan nya?kabweset!
At ngayon na naman, pinipilit na naman niya akong sumama sa kaniya dahil andoon yung malabruha niyang jowa, nagkikipaglandian sa iba!
Sa dinami-dami naman kasing babae dito sa campus ay dyan pa talaga siya nagkagusto sa mukhang clown!
Mukhang clown kasi puno ng kolorete ang pagmumukha!
Ilang beses na siya nitong niloko at hanggang ngayon niloloko parin siya hindi naman ito madala-dalang lalaking ito.
Minsan ko na nga itong nahuli na may kahalikang lalaki sa likod ng eskwelahan pero wala lang sa kaniya noong sinabi ko rito ang tungkol doon.
Dahil ang rason niya? gusto n'ya na ang mismong jowa niya ang magsabi ng totoo sa kaniya. Kung hindi ba naman siya nagpapaka tanga sa babaeng iyon?
"Sorry na Biskey.. w-wala na talaga akong choice ,eh! ang cold na niya sa akin. At ang malala pa, para na akong ghost sa pangingin nya." hinawakan nito ang magkabila kong balikat.
"Gusto ko ng malinawan. Promise, last na 'to. Ako na mismo ang magsasabi sa kaniya at makikipaghiwalay sa kaniya.
Kapag hindi niya pa talaga ako pinansin ngayong araw at kapag hindi siya naapektuhan sa plano natin na pagselosin siya, ako na mismo makikipagbreak. Almost oneweek narin kaming ganito, walang text and calls akong natatanggap mula sa kaniya. Para na talaga akong ghost sa ginagawa niyang pambabalewala sa akin." dagdag pa nito at mahaba paliwanag.
"Ikaw lang kasi ang alam kong matapang at palaban na babae na kakilala ko. Kaya oras na sugurin ka niya kapag nakita niya tayong magkasama at kung sakaling magselos nga siya sa atin, alam kong dedepensahan mo ang sarili mo."
Seryuso talaga siya sa gagawin niyang plano. Kahit lagi kaming nag aaway dahil sa jowa niya, hindi ko naman ito matanggihan. Dahil sa tagal naming magkasama sa school, naging malapit narin kaming magkaibigan.
Kahit inis na inis na ako sa kaniya dahil napakakulit at iyon ang pinaka ayaw ko sa lahat, ang makulit at kulit kulitin ako sa ayaw kong gawin.
Pero ngayon, sa nakikita ko, awa ang nararamdaman ko para sa kaniya. Mahal na mahal niya ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang makipaglaro sa mga iba't ibang lalaki at saktan lamang siya nitk.
Kung hindi ako nagkakamali, hindi na birhen ang babaeng iyon dahil sa kung sino nalang ang nilalandi. Yuck!
Bakit pa kasi doon pa siya nagkagusto? naging crush ng campus lang naman ito dahil sa make up nitong subrang kapal kaya nagtataglay ito ng kagandahan.
Wala nga lang kagandahang asal!
Kilala ito bilang anak ng congressman kaya malakas ang loob na mamuno sa mga studyanteng naroon at kasama sa may grupo.
Akala mo kung sino ng malakas. Malakas kung kumapit. Napakaarte pang babae porket nag iisang anak ng magulang niya.
Ito namang si Spinner, nagpapakatanga!
Malaking tanga talaga!
Bulag!
Nabulag na sa kapal ng make up ng babaeng iyon!
Hindi na niya makita ang tunay na ugali dahil nakatuon ang mga mata niya sa mala-clown nitong pagmumukha!
Porket maganda? akitin na ng mga kalalakihan?
Maganda lang naman iyan dahil nakamake up. Subukan niyang magtanggal ng make up, baka mas maganda pa ang taing grasa kaysa sa kanya.
Kahit nga ako na simpleng babae lang.
Totoo naman talaga. Kahit powder lang ang ilagay ko sa mukha ko, masasabi kong pinagkalooban ako ng simple at magandang mukha.
Hindi ko na kailangan maglipstick dahil normal ang pula ng aking mga labi. Iyon nga lang dahil hindi ako kumportableng manamit ng pambabae ay puro mga largesize ang damit ko at fitted na short.
Sa bahay lang naman iyon pero pag nasa school na ay syempre naka school uniform ako.
Ayaw ko kasi ng mga masisikip na damit. Iniinitan ako kapag ganoon ang mga suot ko. Nakikita lang ang malaki kong hita at nababakat ang matambok kong balakang kapag nasa school na ako at nakauniform.
Pumayag naman akong samahan si Spinner kung saan ay papunta kami sa kinaroroonan ng mga barkada ng girlfriend nito.
Nang makarating at makita ang nagkukumpulang mga grupo ay napahinto kami sa may gilid para magmasid sa mga ito.
Tatlo silang babae samantalang tatlo rin na mga lalaki ang naroon.
Tingnan mo? nag eenjoy siya sa barkada niya samantalang itong boyfriend niya ay nagpapakabaliw na kakaalala dahil hindi siya nito kinakausap! kabweset talagang bruha na ito..
Nang gigigil ako!
Subra na ang pagkabagot ko dahil sunod lang kami ng sunod sa mga ito kung nasaan sila paroon.
Hindi naman kami nagpapahalata na sinusundan namin sila dahil kumukuha pa ng tyempo itong si Spinner.
Ewan ko ba kung bakit sunod rin ako ng sunod rito sa gusto niyang gawin. Naiirita na talaga ako sa totoo lang.
"Matagal pa ba tayo, ha?" naiirita kong sabi habang nakamasid sa anim na magkakasama.
Napahinto ang mga itong muli at nakatayo lang ang na parang may hinihintay pang mga kasama.
Pumwesto rin kami sa di kalayuan sa mga ito.
"Sandali nalang. Pangako, kapag napalingon sila sa atin, saka lang natin gawin yung sinabi ko sayo kanina." anito.
"Gusto ko na kayang umuwi? alam mo, pagod na pagod na ako sa pinag gagagawa natin. Wala naman nangyayari kakasunod lang dyan sa mga walang kwenta na 'yan." galit akong irap rito.
"Konting tiis nalang, Biskey. Promise? last na talaga ito. Pagkatapos nito hindi na kita kukulitin. Hindi na rin kita lalapitan, okay ba iyon sayo? sige na.. tiis lang ng konti, ha? huwag kana mainis dyan." pagpapakalma nito sa akin.
"Talagang last na 'to dahil ayuko nang maulit pa ito. Kapag--"
"Ayan na!"
Nagulat ako at napatigil sa pagsasalita nang bigla na lamang akong akbayan nito.
Pagbaling ko ay nakatuon ang paningin ni Spinner sa papalapit na babae kaya umayos naman ako.
Kagaya ng napag usapan namin kanina ay kumalma ako.
Nanggigigil kong binalingan si Spinner. Galit ang mukha kong tumingin sa kaniya.
"Bisky, nakatingin siya! please lang ayusin mong mukha mo! ayan na.. papalapit na siya dito!" halos pabulong nitong sabi habang nakasilay ang mga ngiti sa labi.
Hindi ko inaalis ang matalim kong tingin sa kay Spinner.
Napakaplastik ng mukha mo, Spinner hinayupak ka! yung kamay mong demonyo ka!!!
"Spinner? what are doing here? a-and.."
Bumaling ako sa babaeng kakarating lang at nasa harapan na namin ngayon. Ngumiti naman ako ng peke dito.
Tangina mo Spinner pati ako nahahawaan sa kaplastikan ng pagmumukha mo!
Pilit akong ngumingiti kahit nangiginig ang ibabang labi ko sa pagkainis.
"Uhm.. Laiza, nandito ka rin pala?" kunwaring tanong ni Spinner sa girlfriend nito.
Gagu! kanina pa natin sila sinusundan tapos magmamaang maangan ka pang walang alam na hinayupak ka?
Pasimple kong kinurot ang hita nito. Tinanggal naman nito ang pagkakaakbay sa akin at pasimple kong sinulyapan ito ng hindi inaalis ang pekeng ngiti sa mga labi ko.
Lawak ng ngiti mo boy! aabot na ng probinsya! hawang hawa ako sayong lintik ka!
"My friend wanted to celebrate her monthsarry with our barkada."
Tumingin akong muli sa kaharap namin nang magsalita ito.
Sakto na nagtama ang mga mata namin dahil sa akin rin pala ito nakatingin.
"Kayo?" sarkastiko nitong tanong.
Halata kong inis na inis ito dahil sa naaktuhan niya ngayon ngayon lang.
Pero kalmado lang ako habang sinasalubong ang malamig niyang mga tingin sa akin.
"Uhm.. sya nga pala, Laiza. S'ya si Biskey--"
"Bisky Elizabeth Thomson."
Lihim akong napataas kilay nang marinig ko ng buong pangalan ko.
Lumapit ito at pumagitna sa amin ni Spinner. Inangklas nito ang isang kamay sa braso ni Spinner kung saan iyon yung ginamit kaninang pinang-akbay sa akin.
Nag iwas ako ng tingin at binigyan ito ng distansya sa pagitan namin kung saan ay nasa gita namin ito.
"Why don't you come with us?" maarte nitong sabi.
I smirked at him. "No need! mas gusto ko pang matulog nalang kaysa makasama ang mga PLAS TIC na dapat ay nasa basurahan." binigyan ko ng diin ang salitang plastik.
Nakita kong inis itong napabitaw kay Spinner.
"W-What did you say?"
"Oh? may nasabi ba akong hindi mo narinig?" umakto rin akong maarte at nagtakip pa ng bibig.
"You--" akmang susugurin ako nito ngunit napahinto nalang bigla dahil agad ko itong inunahan.
"Opps!" itinaas ko ang kamay kong nakatakip sa aking bibig na parang nanunumpa sa harapan niya.
Tinaasan ko ito ng isang kilay.
Matalim nitong sinulyapan si Spinner at inirapan naman ako ng napakasama.
Maya lang ay nagmamartsa itong umalis at basta na lamang kaming iniwan ng walang salitang binibitawan.
Nilagpasan nito ang nga kasamahan at hindi man lang nagpaalam sa mga ito at dire-diretsong naglakad.
Pati mga barkada iniwan ng walang sabi sabi.
"Sana hindi mo nalang pinatulan. Hinayaan mo na sanang ako ang kumausap sa kaniya ng maayos."
Napalingon ako kay Spinner nang magsalita.
"Eh di sundan mo s'ya? mukhang umubra naman ang plano mo, eh. Nakita mo ba ginawa n'ya?" inis kong inirapan ito.
"Hindi na. Ihahatid nalang kita." malumanay nitong sabi.
Nagtataka naman ako dahil nag iba ang mood nito at pakikipag usap sa akin.
Teka, galit ba sya sa ginawa ko?
Ako na nga itong nagmagandang loob na tulungan sya.
Nang maihatid ako ni Spinner sa bahay ay nagpasalamat pa ito sa akin bago umalis ngunit halatang malungkot ito base sa boses nitong walang kagana gana.
Sinabi n'ya rin na kakausapin niya ulit ng maayos si Laiza para maayos din silang maghiwalay.
Oo, makikipaghiwalay na raw talaga siya sa babaeng iyon. Siguro narealize na niya rin na masyadong spoiled brat itong girlfriend niya. Hindi na siguro nito matiis dahil sa ugali nitong may pagka maldita at masyadong maarte.
Palibhasa kasi anak ng congressman.
Tsk!