"Ang cool.. ito pala yung sayo? woahh.. ang laki!" subra akong namamangha sa ipinakita nito kung ano yung sinasabi kong monay.
Kanina nagtatalo pa kami kung ano yung sinasabi kong monay sa kanya. Bakit ba kasi hindi ko man lang naisip na isang uri pala ng tinapay iyon? tuloy ang tagal nya makagets.
Tawa talaga ako ng tawa dahil inis na inis ito. Kesyo bakit ko raw tiningnan yung monay ni Spinner ? haha. Bakit ano bang iniisip niyang monay?
"Gusto mo hawakan?" tanong nito.
Tinititigan ko lang ito kung parehong pareho talaga sa monay ni Spinner. Halos dumikit na ang mukha ko sa tiyan niya habang sinusuri ang monay nito.
Namamawis sya, gosh! di hamak na mas malaki ito kesa kay Spinner. At mukhang napakatigas pa!
"Ay hindi na. Alam ko naman na matigas 'yan dahil pinahawak na sa akin ni Spinner yung kaniya. Kaya alam ko na yan."
"Buti pa sya, hinawakan mo yung kanya. Samantalang yung akin pinapahawak ko sa iyo ayaw mo."
"Ha? may sinasabi ka?"
"Wala." nagkamot ito ng ulo.
Halos sa hangin nya lang kasi pinaparinig ang sinasabi niya at nagsasalita na naman siya na s'ya lang ang nakakarinig.
"Saka mukhang mas marami ito kesa sa kapatid mo. 2, 4, 6, 8, grabe! walo yung monay mo?" hindi makapaniwalang sambit ko. Kumikislap ang mga mata ko sa mga monay nya na parang hindi makapaniwala.
Tumuwid ako ng tayo at bumalik sa kinauupuan.
"Isuot mo na nga 'yang damit mo at nakakademonyong pagmasdan." mahinang sambit ko lamang iyon at ewan ko kung narinig niya sa sinabi ko. At siguro naman ay hindi nya narinig.
Mukhang hindi naman nya narinig.
Kanina pa kasi ako naglalaway sa katawan niya mula nang hubarin niya ang pang itaas na damit.
Totoo nga ang hula ko. Na kahit naka t-shirt lang ito ay bakat na bakat ang mga mussels nito sa katawan.
Kaya ngayon na hinubad niya ang damit niya para ipakita sa akin ang monay n'ya, halos malaglag na ang panting binili niya para sakin.
Pero syempre, hindi ko naman iyon pinahalata sa kanya na laway na laway na ako dahil baka kung anong isipin niya about sa akin. Oo mga kagaya niya ang pinapantasya ko pero hindi kami magkatugma. Malaki ang agwat ng edad niya sa akin at lumalabas na nakatatandang kapatid ko s'ya.
Nakakadismaya man pero sa kanya ako kinikilig.
Pogi kase, eh!
Ang boses niyang nagpapabaliw sa akin. At ang mukha niyang napakaamong pagmasdan. Lalong lalo na ang mga ngiti at tawa niyang nagpapaluwag sa suot kong panty.
Isinuot na nga nito ang damit saka naupo rin kung saan ito nakaupo kanina.
"Hindi kapa ba nalalasing? halos maubos mo na yan, ah?"
"Nagtataka nga rin ako, eh. Siguro naaaliw ako sa iyo kaya matagal bago ako tamaan ng alak." nagsalin ulit ito ng alak at uminom.
"Kung ganon, matutulog na ako. Sure ka na okay lang sayo na dyan ka matutulog?" turo ko sa couch na kinauupuan niya.
"Oo naman. Sanay na ako sa mga ganitong sitwasyon."
"Talaga?" tumayo na ako para pumunta ng kwarto nito at para makapagpahinga na rin.
Natigilan ako at muli siyang hinarap.
"Maraming salamat nga pala ulit. At saka goodnight rin." tipid akong ngumiti sa kaniya.
Tumango lang ito at pinagpatuloy ang ginagawang pag inom. Ako naman ay pumasok na sa kwarto at nahiga.
Sa kalagitnaan ng gabi ay nakatulog kaagad ako. Siguro sa pagod narin.
Sa ikli ng oras na kasama ko si Weasley, nawala ang pangangamba ko sa kontratang pinagmulan kaya ako dumating sa ganitong sitwasyon.
Naglayas pero nakokonsensya naman sa kabilang banda.
Pag gising ko kinabukasan, naalala ko na may klase pa pala ako.
Anong oras na ba? hay sh!t alas nwebe na!
"Bisky! Bisky!"
Hindi pa ako nahihimasmasan nang marinig ko na may kumakalabog sa pinto at tinatawag ang pangalan ko.
Sino naman kaya itong maingay na 'to?
"Bisky! nandyan kaba? buksan mo 'tong pinto!" rinig ko pang sigaw sa labas.
Nakakarindi ang boses nya. Isama pa yung sunod sunod na pagkalabog ng pinto. Ano, may emergency?
"Sandali lang naman!" sigaw ko.
Hindi ko na naayos ang suot ko dahil tumakbo na ako kaagad para buksan ang pinto.
"Ano ba 'yon?" inis kong ani nang mapagbuksan ang pinto.
"S-Spinner?" nagtataka kong sambit.
Natigilan ito sa paghakbang sana palapit sa akin. Napaawang rin ang labi nito.
Hinahagod nito ng tingin ang kabuuan ko.
"B-Bakit ganyan ang suot mo? damit ba yan ni kuya Weasley?" kunot noong tanong nito.
"May ginawa ba siyang masama sayo?" dagdag pa nito.
Masama ko siyang tiningna. "Ahm, hindi. Mali ka. Hiniram ko lang ito sa kaniya. Wala kasi akong maisuot na damit kaya gumawa naman siya ng paraan para may maisuot ako." pagpapaliwanag ko.
Kumalma naman ito at napabuga ng hangin.
"Tara na. Ako na ang maghahatid sa'yo."
"Ha?" gulat ako.
"Anong ha? kailangan mo ng umalis dito dahil may klase pa tayo, nakalimutan mo na ba?"
Oo nga naman. Bakit nga ba ako nagtataka? at tsaka, nasaan si Weasley?
"Bakit ka ba kasi naglayas ng alanganing oras?" habol pa nitong tanong.
Hindi ko na siya nasagot dahi dali dali ko na siyang tinalikuran at pumunta na ako ng banyo para magpalit ng damit.
Sinuot ko yung biling damit ni Weasley kagabi. At isinuot ko rin ulit ang damit kong pinalabhan niya kagabi.
Nasaan ba kasi s'ya? kailangan magpaalam ako sa kaniya para malaman niyang umalis na ako dito at para hindi siya mag-alala sa akin. Para narin makapag pasalamat ulit sa kaniya.
At bakit ko ba siya hinahanap?
ano bang nangyayari sa akin?
Kagabi ko lang siya nakilala pero magaan na kaagad ang pakiramdam ko rito?
at ngayon naman, pakiramdam ko ang bigat bigat ng kalooban kong aalis ako sa condo niya nang hindi man lang siya nakikita at makapagpaalam.
Dahil ba uuwi na ako ulit sa amin?
At kung sakaling makabalik na ako sa bahay, siguradong wala na akong ibang pagpipilian kundi ang sumang ayon sa kasunduan na hindi ko naman nagpag isipan ng maigi kagabi.
Tama ba itong gagawin kong disisyon? kagabi hindi ako nag aalinlangan sa kontrata dahil nag-enjoy akong kasama si Weasley at makipagkwentuhan.
Pero bakit ngayon todo ang panghihinayang na nararamdaman ko?
At para bang may takot akong nararamdaman?
Ang kaba at takot na lumulukob sa katawan ko ay nagsisimula na naman.
Bakit iniisip ko si Weasley? hindi maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nalulungkot.
Nangangamba rin ako na baka..
N-Na baka hindi na kami magkita muli.
Hindi ko namalayan na nakasakay na pala ako sa kotse ni Spinner.
Binabaybay na pala namin ang daan papunta sa bahay mansion.
Umakyat na naman sa katawan ko ang takot at kaba habang palapit na papalapit ang sasakyan nito papunta sa amin.
Sa tuwing naiisip ko si Weasley, nawawala ang kaba at takotna nararamdaman ko.
At sa tuwing maaalala ko naman ang kontrata, at ngayon nga ay pabalik na ako sa mansion, natatakot ako na baka anong sabihin ng mga magulang ko sa akin.
Papagalitan ba nila ako dahil sa pagalalayas ko?
O baka naman hindi na nila ako palabasin ng mansion at ikulong na lamang.
Natatakot ako. Lubos na natatakot na kung anong pwedeng gawin ng mga magulang ko sa pagsuway ko sa kagustuhan nila?
Nang maiparada ni Spinner sa garahe ang kotse nito ay matagal pa bago ako bumaba ng kotse.
Napatingin ako nang bumukas ang pinto sa gilid ko. Pinagbuksan na pala ako.
Malungkot ko itong tiningnan.
"Let's go. Naghihintay na sila sa'yo." anito.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod. As usual, napakaraming bantay dito sa mansion. Lahat sila ay nagsiyukuan nang makita nila akong naglalakad papasok ng mansion.
Nakayuko lang ako habang binabaybay ang daan patungo sa loob.
"Oh, thanks god!"
Napataas ang aking ulo nang maulinigan ang boses ng aking ina.
Sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Mama at saka yumakap sa akin ng mahigpit.
Hindi ako gumanti ng yakap. Bagkus ay nanatili lang akong nakatayo at hindi gumagalaw.
Namataan ko si Papa sa di kalayuan na mataman na nakatingin sa amin ni Mama. May halong pag-aalala ang mukha nito pero napaka seryuso.
Maya pa ay kumalas na si Mama sa pagkakayakap sa akin.
"Salamat Spinner dahil nakauwi ng ligtas ang anak ko. Thank you so very much!" ani Mama.
Wala akong emosyon na ipinapakita sa kanila. Tanging pagbuntong hininga lang ang pinaparamdam ko at alam kong pansin iyon ni Mama.
"Wala po iyon, Tita. Basta sa ikabubuti ni Bisky." nakita ko sa gilid ng aking mata na sumulyap sa akin si Spinner.
"Im glad that you are safe." boses naman ni Papa ang narinig ko. Nakalapit na pala ito.
Saglit itong tumingin sa akin.
"Tumawag ako sa school mo na hindi ka muna makakapasok sa ngayon. Kaya magpahinga ka muna sa kwarto mo."
"Aling Bineng! pakihatid naman sa kwarto si Bisky. Ipaghain mo rin s'ya ng gusto niyang kainin." anang ni Mama sa kasambahay.
Humalik muna ito sa aking pisngi at saka ngumti ng may pag-aalala.
Walang gana ko itong nilagpasan at hindi na muli pang lumingon rito kahit pa kay Spinner.
Ewan ko ba, ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Parang nanghihina ako sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi lang sa kasunduan, kundi sa lalaking minsan ko lang nakasama.
Hindi ko alam kung bakit sa kaniya lumilipad ang isip ko.
Walang imik na tinatahak ang hagdan papunta sa aking kwarto kasabay ng aming katiwala. Parang nawawalan rin ako ng ganang kumain at makipag usap sa kanila.
Siguro napansin nila iyon kaya sinabi ni Papa na magpahinga muna ako sa aking kwarto.
Napaisip ako.
Bakit ganoon sila? parang may nagbago sa pakikitungo sa akin si Papa. Dati naman ay hindi siya ganoon umasta.
Mukha na siyang seryuso ngayon at hindi na mabiro ang hitsura niya. Wala rin akong makitang emosyon sa mukha niya at hindi ko mabasa kung anong iniisip niya.
Ano kayang nangyari mula ng maglayas ako kagabi?
Si Mama naman naroon parin ang pag-aalala niya para sa akin.
Pero nong nakita niya akong ligtas na nakauwi, lumiwanag ang malungkot niyang mukha.
Nakonsensya naman tuloy ako sa aking ginawa.
Napabuntong hininga ako at kinuha ang aking cellphone sa drawer katabi ng aking kama. Tiningnan ko kung may mga notification na dumating.
Nang wala akong mabasa ay naisipan ko nalang na magtipa.
Salamat sa paghatid ^_^
Sinend ko iyon kay Spinner. Kanina bago ako umakyat, nasulyapan kong kinakausap siya ni Papa. Hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila kasi medyo malayo layo na ang nahakbang ko sa hagdan. Pero kita ko ang kakaibang hitsura ni Spinner. Na para bang may malalim na kahulugan ang nakikita kong seryusong mukha niya habang nagsasalita siya.
Sa kabila ay may takot akong nararamdaman para kay Papa. Naging agresibo siya ngayon dahil sa kontrang kasunduan.
"Manang.. wala po akong ganang kumain. Pwede ho bang magpahinga na lamang ako nang hindi ako naiistorbo?" ani ko sa matandang katiwala.
"Sigurado ka ba dyan, Iha? hindi ka ba nagugutom?"
"Wala ho akong gana, Manang. Tatawagin ko nalang ho kayo kapag nakaramdam ako ng gutom. Sa ngayon po ay gusto kong mapag-isa at makapagpahinga nang walang umaabala sa akin."
Napahinga ito ng malalim.
"Oh sya, sige. Kung iyan ang gusto mo. Basta tawagin mo ako kung may kailangan ka, ha? huwag kang gagawa ng hindi ikakatuwa ng mga magulang mo dahil lubos silang nag-aalala sa'yo."
Imbes na magsalita, minaigi ko nalang na ngumiti kahit pilit at tumango sa kaniya.
Nang mawala na ito at tuluyan na akong nahiga sa aking kama. Wala akong ginawa sa loob ng aking kwarto maghapon kundi ang magmukmok.
Paminsan minsan naman ay napapangiti ako sa aking sarili kapag sumasagi sa isip ko si Weasley.
Ano kayang ginagawa niya sa mga oras na ito? at saan kaya siya nagpunta? bakit hindi ko man lang siya naabutan bago ako umalis.
Sayang naman, pakiramdam ko tuloy malungkot ako ngayon dahil hindi ko siya nakita.
Bakit ba ganito ang nararamdan ko? parang nanghihinayang ako sa hindi ko maipaliwanag?
My god! ano bang nangyayari sa akin?
Nilagay ko ang magkabilang palad ko sa aking pisngi. Nag iinit iyon.
Normal lang kaya ito?
Biglang tumunog ang aking cellphone na nakapatong sa mesang maliit na nasa gilid. Unknown number ang nakalagay riyon at hindi ko alam sino ang nagpadala ng mensahe sa akin.
Sino naman kaya itong tumatawag sa akin?
Matagal ko itong pinakatitigan. Hindi rin naman nagtagal ay tumigil iyon sa pagring.
Ibababa ko na sana ang aking cellphone nang magring ulit iyon.
Iinangat ko iyon para tingnan muli. Ganoon parin naman yung number na tumawag kanina.
Naisip ko na baka si Spinner dahil siya lang lang naman yung tinext ko kanina. At baka nagpalit siya ng number.
Hindi na ako nag alinlangan pa at sinagot ko na iyon.
"Hello?"
"Hi."
Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa nang marinig ang baritonong boses na iyon sa kabilang linya. Kahit simpleng pag 'Hi' lamang nito ay kumabog na ang dibdib ko.
"A-Ah.. H-Hi!" biglang nanginig ang aking boses.
Yung puso ko na naman!
Napahawak ako sa aking dibdib.
"You're already at home?" tanong nito.
"U-Uhm, ye-yes.. kararating ko lang."
"Mhmm.. good to hear."
"S-Si Spinner ang naghatid sa akin. Akala ko nga ikaw ang maghahatid sakin dahil sinabi mo iyon kagabi." halos pabulong kong sabi. Ewan ko lang kung narinig niya.
"Did I made you expecting so much?"
"H-Ha? h-hindi, ah? nag-akala lang kasi ako at.. h-hindi ko alam na pupunta si Spinner para sunduin ako."
"I told him na s'ya na ang maghatid sayo."
Medyo nadismaya naman ako pero ano naman kung itusan niya si Spinner? masyado lang akong nag-asam sa lalaking ito kaya ganito ang hiyang nararamdaman ko.
"Sana ikaw nalang naghatid sa akin.."
"Did you say something?"
Nanlaki naman bigla ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Mahina lamang iyong sinabi ko. Narinig ba niya iyon? narinig nya ba ang sinabi ko?
Mahina lang naman iyon, ah?
"N-Narinig mo ba yung.. s-sinabi ko?" kinakabahang tanong ko.
"What? may sinabi ka? I think may sinabi ka kanina but I didn't hear that much."
Ibig sabihin wala siyang narinig?
Mabuti naman..
Dahil nakakahiya kung nagkataon na narinig niya iyon. Iisipin niyang umasa talaga ako na siya ang maghahatid sa akin dito sa mansion.
Masyado ba akong immature sa lagay kong ito?
"So, do you have to say something? Im already listening."
"Uhm, wala naman. Ang sabi ko bakit ka napatawag?" napangiwi ako sa pagpapalusot ko.
Matagal itong hindi nakasagot kaya naman tiningnan ko ang screen ng aking cellphone kasi baka nag-end na ang call.
Pero naroon parin at hindi pa nakapatay.
Bakit hindi na nagsasalita?
"Hello--"
"I miss you.."