BINUKSAN ni Dana ang walk in cabinet ni Franco. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang itim na coat nito na naka-hanger do'n. Nang makuha niya iyon ay lumapit siya sa asawa na abala sa pagsusuot ng necktie nito. Nakaupo ito sa wheelchair nito habang nakatingin ito sa vanity mirror na nasa loob ng kwarto. "Love?" tawag niya sa atensiyon nito. Nag-angat naman ito ng tingin patungo sa kanya. At nang magtama ang paningin nilang dalawa ay awtomatikong ngumiti ito sa kanya. Gumanti naman siya ng masuyong ngiti dito. Nitong makalipas na buwan ay parang madali na dito ang ngumiti. And she was happy for him. Hindi na ito cold and aloof. And of course, nakikipag-interact na ito sa ibang tao. "Your coat," wika niya dito. Hindi naman niya iyon inabot dito. Sa halip ay siya na din mismo ang nagsuot ni

