"LOVE?" tawag ni Dana sa atensiyon ni Franco sa kanyang tabi. Bumaling naman ito sa kanya. "Hmm?" Kumibot naman ang labi niya. "Maiwan mo na kita dito saglit. Pasok lang ako sa loob. Kukuha ako ng meryenda natin," sabi niya dito ng magtama ang paningin nilang dalawa. Nakaramdam kasi ng gutom si Dana sa sandaling iyon. Mukhang kulang ang kinain niya kanina dahil nakaramdam ulit siya ng gutom. Nasa garden kasi silang dalawa ni Franco ngayon. Nagpapahangin sila. Masarap kasi ang simoy ng hangin do'n. Presko din dahil din sa mga halaman na nakatanim do'n. Idagdag pa na maganda ang view. "Mag-utos ka na lang sa mga kasambahay," sabi naman nito sa kanya. "At ipadala mo dito para hindi ka na mapagod," dagdag pa na wika nito. Umiling naman siya. "Hindi ako na," sabi naman niya dito. Ayaw n

