NASA gilid ng pool si Dana ng gabing iyon. Nakasalampak siya sa sahig habang yakap niya ang mga binti. At tahimik na pinagmamasdan ang tubig sa pool. She need to breath kaya siya nagpunta do'n. Pakiramdam kasi niya ay nasu-suffocate siya kapag nasa loob siya ng mansion. Mukhang manhid na sa sakit ang puso ni Dana dahil lagi na lang siyang nasasaktan, lagi na lang siyang sinasaktan ni Franco. Paulit-ulit na kasi siya nitong sinasaktan. At paulit-ulit din siyang nagpapakatanga at nagpapaka-martyr dito. Kinagat na naman niya ang ibabang labi ng maramdaman ang panunubig ng mga mata niya sa sandaling iyon. Napakurap-kurap din siya ng mga mata para pigilan iyon sa pagpatak sa mga mata niya. Saglit din siyang napatingala sa kalangitan. Laging saksi ang lugar na iyon sa lungkot at sakit na nar

