"DANA, anak. Kakain na." Narinig ni Dana na tawag sa kanya ng Mama niya sa sandaling iyon. Dahil bukas ang pinto ng kwarto niya ay dinig na dinig niya ang boses ng Mama niya na galing sa kusina. "Okay po, Mama," sagot naman niya. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama. Binitbit niya ang tinuping damit at inilagay niya iyon sa kanyang drawer. Pagkatapos niyon ay lumabas na siya ng kwarto. Nagtuloy-tuloy naman siya sa paglalakad hanggang sa makapasok siya sa maliit na kusina nila. Nadatnan niya do'n ang Mama niya na abala sa pagpi-prepara sa mesa. "Si Papa, Mama?" tanong niya nang hindi niya makita ang Papa niya do'n sa kusina. Sumulyap naman sa kanya ang Mama niya. "Lumabas lang saglit. May binili," sagot nito sa kanya. Nagpapasalamat si Dana dahil medyo naka-recove

