TUMINGALA si Franco at ipinikit niya ang mga mata habang hinahayaan niya ang tubig na nanggagaling sa shower na dumadaloy sa kanyang mukha sa sandaling iyon. Ilang minuto din si Franco na nasa ganoong posisyon hanggang sa nagmulat siya ng mga mata at hinilamos niya ang basang mukha gamit ang palad niya. Pagkatapos niyon ay nagpatuloy pa siya sa paliligo. Halos kalahating oras din siyang nanatili sa loob ng banyo hanggang sa pinatay niya ang shower. Kinuha din niya ang puting tuwalya na naroon at ginamit niya iyon pamunas sa kanyang basang buhok. Pagkatapos niyon ay hubod hubad siyang lumabas ng banyo. Hinayaan din niyang tumulo ang tubig sa sahig dahil sa basang katawan niya. Humakbang siya patungo sa kama para kunin do'n ang damit niya pero nasa kalagitnaan na siya ng mapahinto siya n

