"MAMA, for sale po pala ang bahay at lupa diyan sa tapat po natin?" Tanong ni Dana sa Mama niya ng minsang kumakain sila ng dinner na tatlo sa dining table. Naalala kasi ni Dana na itanong iyon dito, noong lumabas kasi siya ng bahay ay may nakita siyang for sale na karatula. Bumaling naman ang Mama niya sa gawi niya. "Matagal nang for sale ang bahay at lupa nila Agnes, Dana," sagot naman ng Mama niya sa kanya. Ang Tita Agnes na tinutukoy ng Mama niya ay ang may-ari ng bahay sa tapat nila. Napanguso lang naman si Dana. Ngayon lang kasi niya nakita ang karatula sa labas ng gate nila Tita Agnes. Kaya ngayon lang niya alam na for sale iyon. "Noong dinala siya ng mga anak niya sa Canada ay naisipan na nilang ibenta ang bahay. For good na kasi sila do'n," dagdag pa na sagot ng Mama niya. Cana

