"SIGURADO ka ba, Dana, na ayaw mong ihatid kita?" Tanong ni Nurse Ethan sa kanya habang naglalakad silang dalawa sa hallway palabas ng ospital. Tapos na ulit ang shift nila at pauwi na silang dalawa. Tumango naman siya bilang sagot ng balingan niya ito sa kanyang tabi. "Okay naman na ang pakiramdam ko, Ethan," sagot niya dito. Kanina kasi ay medyo sumama ulit ang pakiramdam niya. Mababa na naman kasi ang dugo niya noong i-check ulit nito ang blood pressure niya. Mabuti na lang at nasa ospital siya. Sinamahan siya ni Nurse Ethan na magpa-check up sa doctor noong break nilang dalawa. At ayon sa doctor ay mababa din ang potassium niya at kailangan lang daw niyang kumain nang kumain. Huwag daw siyang mag-diet. At higit sa lahat ay huwag siyang magpaka-stress dahil makakaapekto daw iyon sa ba

