NANG matapos i-blower ni Dana ang basang buhok ay ipinusod niya iyon in messy bun style. Nang matapos ay umalis siya sa harap ng salamin at kinuha ang cellphone para i-text si Franco. Magpapaalam kasi siya dito kung pwede siyang umalis ng condo. Gusto kasi niyang pumunta ng Mall para maghanap ng panre-regalo niya kay Chassy sa birthday nito. Sa susunod na araw na kasi iyon. Kahapon nga ay tinawagan ulit siya nito para sabihin na susunduin na lang siya nito at sabay na daw silang pumunta sa venue kung saan gaganapin ang birthday nito. Sabihin na lang daw niya ang address niya at do'n na lang siya nito susunduin. At ayaw naman niyang sabihin ang address niya kay Chassy dahil kapag ginawa niya iyon ay malalamam nito na iisa lang ang tinitirahan nila ni Franco. Ayaw naman niyang malaman nito

