NAPATINGIN si Dana kay Franco ng i-abot nito sa kanya ang cellphone nito. "Hold this for a while, Dana," sabi nito sa kanya. Kinuha naman niya ang cellphone nito na inaabot nito sa kanya. Nang makuha niya ang cellphone nito ay nakita niyang itinaas nito ang manggas na suot nitong long sleeves. Nanatili naman siyang nakatitig dito. Nang maitaas nito iyon ay lumapit ito sa mga teenager na naglalaro ng basketball sa court sa nasabing orphanage. Nanunuod kasi sila ni Franco sa mga ito na naglalaro, kasama nilang nanunuod ang mga bata at ilang madre din na naroon. Ngayon ay mukhang gusto na nitong makisali sa laro. May ngiti naman sa labi ni Dana habang pinapanuod niya ito na naglalaro. Kinuha naman niya ang cellphone sa loob ng kanyang bag para kuhanan ng picture si Franco. Unang beses ka

