"OKAY." Nagpakawala si Franco ng malalim na buntong-hininga nang mawala mula sa kabilang linya ang driver niyang si Manong Danny. In-inform kasi siya nito na nasundo na nito si Dana at papunta na ang mga ito kung nasaan siya. Inutusan kasi niya ang driver niya na sunduin nito si Dana at ihatid kung nasaan siya. Mayamaya ay nilingon ni Franco ang staff ng restaurant na naroon sa tabi niya. "Is everything ready?" tanong niya dito. "Yes, Sir," sagot naman nito. "That's good," wika naman niya. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na ito sa kanya. Tawagin na lang daw niya ito kapag may kailangan daw siya. Sa pangalawang pagkakataon ay nagpakawala na naman siya ng buntong-hininga. Inilibot din niya ang tingin sa buong paligid. He prepared a romantic candlelit dinner for Dana. Ni-rent pa niya

