"WAIT for me," wika ni Franco ng matapos nitong maiparada ang kotse sa parking lot ng makarating silang dalawa sa building kung saan matatagpuan ang condo nito. Bubuksan na sana niya ang pinto sa passenger seat nang mapatigil siya. Sinundan naman ni Dana ng tingin si Franco ng bumaba ito sa driver seat at humakbang patungo sa gawi niya para pagbuksan siya nito ng pinto sa passenger seat. "Come on," wika nito sa kanya ng yukuin siya nito mula sa loob ng kotse. Kinagat naman niya ang ibabang labi ng ilagay ni Franco ang isa nitong kamay sa bubong ng kotse ng bumaba siya. Ginawa nito siguro iyon para hindi siya mauntog do'n. Hindi lang iyon, inalalayan pa siya nito na makababa. Lihim naman siyang napangiti. Mukhang tama ito sa sinabi nito sa kanya kanina no'ng nasa ospital sila, hindi ng

