UMALIS si Dana mula sa kinatatayuan at bumalik siya sa loob ng bahay. Hindi din niya napigilan ang mapasimangot sa sandaling iyon. Nagising si Dana kanina na wala na si Franco sa tabi niya. Simula kasi noong makapag-usap at nagkaliwanagan silang dalawa. At simula noong magkaayos sila ay do'n na natutulog si Franco sa kwarto niya. Kahit na maliit ang kwarto niya ay pinagti-tiyagaan nito. Gusto din naman ni Dana iyon dahil gustong-gusto niyang amuyin ang mabangong amoy nito. Isa din kasi iyon sa pinaglilihian niya. She always hug and sniff him. Hindi na siya nagkakasya sa pag-amoy sa itinatago niyang damit nito, hindi na siya nagtitiis. Ngayon ay ito na ang sinisinghot niya. Halata naman na gustong-gusto din nitong niyayakap niya ito. Pero apat na oras simula noong magising si Dana ay

