HABANG tanghalian ay nag-crave na naman si Dana. Ang gusto niyang kainin ay ice cream. Nabanggit niya iyon no'ng minsang nando'n si Franco sa bahay nila kaya nag-volunteer siyang sumama dito. Gusto kasi niya na siya ang pumili ng flavor na gusto niyang kainin. Isinama naman siya nito. At ngayon ay hawak na niya ang gusto niyang ice cream at pauwi na silang dalawa sa bahay. Ube cheese ang binili niya. At nang hindi na siya makatiis ay binuksan na niya iyon. Pero napasimangot siya nang makita na wala siyang kutsara na gagamitin. Paano niya iyon kakainin? "Wala kang kutsara?" Hindi niya napigilan itanong ng sulyapan niya si Franco sa kanyang tabi. Saglit naman itong sumulyap sa kanya. "What?" "Gusto ko nang kumain," sabi niya dito. "Oh," sambit naman nito. "I think I have one," wika n

