NAISIPAN ni Dana na lumabas ng bahay para kahit paano ay masinagan din siya ng araw. Halos hindi na din kasi lumalabas ng bahay dahil tinatamad siya. Sa mga araw na lumipas ay ang nagbabago din ang mga gusto niya. Parang noon, gustong-gusto niyang kumain ng sinigang. It was her favorite. Pero ngayon ay nasusuka siya kapag naaamoy pa lang niya iyon. Hormones siguro niya iyon dala ng pagbubuntis niya kaya pabago-bago siya ng gusto. Hindi lang iyon, pati nga ang emosyon niya ay pabago-bago din. Kung minsan kasi ay naiinis siya sa ibang bagay, pero minsan ay hindi naman. Pagkalabas ay natigilan si Dana nang makita niya ang Mama niya na abala sa pag-aayos sa mga halaman nito sa bakuran. At nakita din niya si Franco na tinutulungan ang Mama niya sa ginagawa nito. Para namang may humaplo sa p

