Special Chapter 2

1744 Words

NAGMULAT ng mga mata si Dana ng maramdamang may dumagan sa kanya. At nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Danielle habang nakatingin sa kanya. Nakangiting pumaikot naman ang kamay niya sa maliit na baywang nito. "Sorry, Mommy. For waking you up," hingi ng sorry ni Danielle sa kanya. Ngumuso naman siya. "So, why are you waking me up?" Masuyong tanong naman niya sa anak. Tumaas din ang isang kamay niya para hawiin ang hibla ng buhok nito na tumatabing sa mukha nito. Kumibot-kibot naman ang labi ni Danielle. "Mommy can we go to Daddy now? Francis and I miss him already," wika nito sa kanya. Napatingin naman siya sa gilid niya. At do'n niya nakita si Francis na nakatayo sa gilid ng kama habang nakatingin sa kanya. "You miss, Daddy, Francis?" tanong n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD