NAALIMPUNGATAN si Franco na parang may pumipisl sa braso niya. Pero sa halip na tuluyang magmulat ng mga mata ay hinayaan lang niya iyon. Akmang babalik muli siya mula sa pagkakatulog ng muli niya iyong naramdaman. This time ay parang kurot na. Narinig din niya ang boses ng asawa na para itong nasasaktan. Nagmulat naman si Franco ng mga mata at tumingin siya sa kanyang tabi. Nakita niya ang asawa na gising na at nakaupo ito sa gilid ng kama "Love?" tawag niya sa atensiyon nito. Tumingin naman ito sa kanya at nakita niya ang sakit na bumalatay sa mukha nito sa sandaling iyon. Mabilis naman siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya at hinawakan niya ang kamay nito at marahang pinisil iyon. "What happened love?" tanong niya dito sa nag-aalalang boses. Pati ekspresyon ng mukha niya ay nab

