"ANO po ulit, Ma?" Gustong ipaulit ni Dana sa Mama niya ang sinabi nito sa kanya sa kabilang linya. Tumawag kasi ito sa kanya sa sandaling iyon. Hindi kasi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya na sinabi nito. "Anak, hindi mo naman kailangan na padalhan kami ng Papa mo ng pera. Okay naman kami dito. May maliit naman kaming kita sa sari-sari store, tapos maliit din na pension ang Papa mo. Sakto pambili ng maintenance ng Papa mo at pang-araw-araw namin dito," ulit na wika sa kanya ng Mama niya. "Noong nakaraang linggo, may dumating na grocery at bigas galing daw sa 'yo. Tapos ngayon pinadalhan mo ulit kami ng pera. Baka anak wala kang itinira para sa sarili mo dahil sa kapapadala mo sa' min," dagdag pa na wika nito. Hindi naman siya nakasagot sa sinabi ng Mama niya. Wala siyang na

