NANG makabayad si Dana mula sa sinakyan na Taxi ay agad siyang bumaba do'n at halos takbuhin na niya ang papasok sa loob ng ospital. Wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao na naroon dahil halos hilam ng luha ang pisngi niya. Mula sa condo hanggang sa makasakay siya ng Taxi ay umiiyak si Dana. Sa sandaling iyon ay ang nasa isip niya ay ang asawa na nasa kritikal na condition. She wanted to see him badly. Tumawag sa kanya kanina si Doc Trevor para ibalita dito ang nangyari kay Franco. Hindi naman niya alam kung ano ang eksaktong nangyari sa asawa. Ang naintindihan kasi niya kay Doc Trevor kanina ay naaksidente ito ang malubha daw ang kalagayan. Hindi naman siya makapaniwala sa ibinalita nito sa kanya, kausap pa niya ito kanina, sinabi pa nitong babalik ito at mag-u

