HINAWAKAN ni Dana ang kamay ni Franco ng makaupo siya sa silya na nasa tabi ng kinahihigaan nitong kama. She gentle squeezed his hands. Pagkatapos niyon ay bahagya niyang itinaas ang kamay nitong hawak niya at dinala niya iyon sa kanyang labi para halikan. Saglit pang nagtagal ang mga labi niya sa kamay nito. "Thank you for fighting, love. Thank you for not giving up," pagkausap ni Dana sa nakapikit na si Franco. "Thank you for coming back." Kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ni Dana, iyong takot na naramdaman niya kahapon. Franco's condition is now stable but he still unconscious right now. Sabi naman ni Trevor sa kanya ay anumang sandali ay magigising daw si Franco and she was waiting for him to wake up. Kinagat ni Dana ang ibabang labi para pigilan na naman ang

