GANOON na lang ang relief na naramdaman ni Dana ng tawagan siya ni Mama Farrah para sabihin na gising na si Franco. Nang malaman nga niya iyon ay dali-dali siyang umalis ng condo at bumalik sa ospital para makita ito. Hindi nga siya nakapagpahinga ng maayos gaya na lang ng gustong gawin ng Mama Farrah niya. Kahit kasi anong gawin niya ay hindi niya magawang makatulog kakaisip kay Franco. Pinagbigyan lang niya sina Mama Farrah na umuwi at makapagpahinga para hindi mag-alala ang mga ito sa kanya. Sa sandaling iyon ay nag-uumapaw ang saya ng puso niya sa isiping gising na si Franco. Gustong-gusto na niya itong makita at makausap. Gustong-gusto na niya itong mayakap na mahigpit at sabihin dito ng personal na mahal na mahal niya ito. Sa mga nangyari sa kanila ay naisip ni Dana na, para wa

