HALOS kalahating araw ay nanatili si Dana sa loob ng kanyang kwarto. Ayaw kasi niyang lumabas ng kwarto sa isiping baka muli niyang makita si Franco. Alam naman ni Dana na hindi niya maiiwasan ito, pero ayaw pa niya itong makita lalo na sa eksenang nangyari sa kanilang dalawa kanina sa banyo. Hindi naman kasi niya inaasahan na ito ang uutusan ng Mama niya na mag-igib ng tubig para sa kanya at ito mismo magdadala niyon mismo sa banyo. Hindi din niya inaasahan na matatanggal ang tuwalyang nakapulupot sa katawan niya. Iyon tuloy nakita muli nito ang hubad niyang katawan. Ipinilig na lang ni Dana ang ulo para maalis sa isip niya iyon. Pagkatapos niyon ay muli niyang pinagtuunan ang hawak na cellphone at naglaro siya ng wordscapes para libangin ang sarili dahil wala siyang ginagawa. Nabo-bore

