Seraphine Rose Para kong pusa na naliligaw sa malaking gubat. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung tama ba na may maramdaman pa ko. Ito ang gusto ko. Dapat masaya ko na nawala pero hindi. Hindi ko magawa dahil alam kong gustong-gusto ko rin ang pinagbubuntis ko. Akala ko kahit kailan hindi na ko mawawalan pa. Pero ‘yon ang bagay na napaka-imposible na mangyari sa mundo. Pero sana ako na lang ang nawala. Para hindi ko na maramdaman ang sakit na ‘to. “Wife…” Naramdaman ko ang pagpulupot ni Zachary sa bewang ko mula sa likod habang malayo ang tanaw ko mula sa glass wall ng penthouse namin. “May trabaho ka ‘di ba?” mababang boses na sambit ko. Mabilis kong inangat ang dalawang kamay ko papunta sa pisngi ko at pinunasan ang pisngi kong basa na naman. I can’t stop crying becaus

