Seraphine Rose Kinakabahan ako. Ngayong araw ko pupuntahan ang Lola’t lolo ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila pero bahala na. Kaya ko ‘to. Ang sabi sa akin ni Zachary nasa ospital daw sila kung saan ko sila nakita noong nakaraan. “Sa likod na ko ng building dadaan, Seraphine.” Sinara ko ang zipper ng bag ko at humarap ako kay Avreet. Kanina pa siya patingin-tingin sa labas ng bintana ng room namin. “Bakit?” tanong ko naman. Maaga kami ng 30 minutes at wala na kong balak na tawagan si Zachary na maaga kami dahil baka may ginagawa rin siya. Siya rin kasi mismo ang susundo sa akin ngayong araw tapos didiretso kami sa ospital. “Long story,” sagot niya sa akin at humugot ng malalim na buntong hininga. Tumango na lang ako sa kanya at hindi na nagtanong pa dahil mukhang

